HIROSHIHaay another busy day.
Si Mama mas naging busy ngayon kase bukod sa sya na ang Head ng Technology Department ay tumutulong din sya sa paghahanda sa pag balik nila Ate Naomi at ng anak ni Sir Hideo.
"Hey, Hiroshi." Hayy ito nanaman 'tong babaeng 'to. Makasigaw pa.
"Why?" Inis kong tanong pagka lapit nya sa akin.
"Mag-ready na daw tayo kasi parating na si ate Naomi at ang anak ni Sir Hideo." Saad ni Reina.
"Oh? Anong kailangan nating gawin?" Walang emosyon kong tanong.
"Aray!"
Makabatok 'tong babaeng to. Nako kung hindi lang babae eh.
"Tumulong daw tayo sa paghahanda ng Surprise Welcome party dun sa may malapit sa Cabin ni Ma'am Michiko." Paliwanag nya.
Teka...
"Bakit dun sa may Cabin? Diba labas na yun ng sakop ng barrier ng campus?" Tanong ko ulit.
"May kasama daw kasing mga Shinigami sila Ate Akemi kaya dun nalang gagawin yung Surprise Welcome party" pabulong na sabi nya.
Kaya pala. Malamang sila Haruka yun.
Pumunta na kami dun sa may Cabin ni Ma'am Michiko at pagdating namin dun kumpleto na halos lahat ng Great Seven. Sila Hiro,Akane at Ken andito na rin. Nauna na rin pala si Hayate dito.
"Oh, Hiroshi,Reina anjan na pala kayo." Bati ni Mama. Andito na pala sya.
"Ano po ang maitutulong namin?" Tanong ko.
"Uhh pakibantayan muna sila Akane hehe" sabi ni ate Akira— wait...
"Ano po?!"
"Sige na please Hiroshi, wala kaming maiiwanan sa kanila eh."
"Oh sige po" pag sang ayon naman ni Reina kay ate Akira.
Hayy pagbe-baby sit lang pala gagawin namin dito.
"Akane! Don't run baka madapa ka!" Ayun si Hayate naghahabol kay Akane at Ken.
Pumunta nalang ako sa tabi ni Hiro na naglalaro ng mga toys nya. Hayy buti dito nalang ako kay Hiro napaka tahimik lang.
"Hiro let's go play tayo!" Tawag sa kanya nila Ken.
"Okay." He said saka tumayo at tumakbo na rin papunta kila Akane.
Aish. Mukhang gusto talaga akong paghabol habulin sa mga bata. Naiimagine ko kapag dumating na yung anak ni Sir Hideo madadagdagan aalagaan namin lalo na pag busy mga magulang nila. Well, atleast makabawi manlang kami sa pag aalaga sa amin nila ate Naomi noon. Pero... Pwede ba wag lagi lagi ang kukulit kaya nitong mga batang 'to.
"Aray! Anu ba Reina maka batok ka naman!" Sigaw ko sa kanya dahil bigla bigla nalang nambabatok.
"Ang ingay mo. Learn to close tighter your mind okay?" Then she rolled her eyes.
Napaka taray talaga.
Habang nagbabantay kami sa mga bata, yung mga magulang nila ayun. Nagkukwentuhan habang naghahanda.
Si ate Michiko at Mama ang nagluluto. Si Sir Hideo ,kuya Mitsuo at ate Akira naman ang naglalagay ng mga designs sa paligid ng Cabin pati dito sa labas nagreready sila ng lamesa.
Ang saya rin nilang panuorin. Sana ganto rin kami nila Reina Pag laki namin magakakasama parin kahit may sari sarili na kaming pamilya.
Aish Hiroshi dami mong iniisip.
YOU ARE READING
If They Were Alive (Tantei High/Seventh Sense Fanfiction)
FanfictionIt is a Tantei High and Seventh Sense Fanfiction, I wanted to create my First ever Ff. This story revolves around the story of The Great Seven if the 4 of them are still alive. Started Writing: December 20,2020 Ended Writing: June 15,2023