Ang bonggang intro

47 3 2
                                    


"Sa tingin nyo naging selfish ba tayo?"

"Paanong selfish? Selfish saan?" tanong ni Leila.

"Alam nating lahat na pwede nating sirain ang Diamonio agad-agad sa pamamagitan ng paglubog no'n sa holy water. Pero hindi natin ginawa dahil alam din nating lahat na mamamatay tayo. Ginawa natin ang mga ritwal para lang iligtas ang sarili natin. Dinamay pa natin si Tessa at ang mga kaibigan natin para lang sa sarili nating buhay."

Tinignan lang siya ni Leila.

"Oo naging makasarili nga tayo. Dahil ayaw nating mamatay. Pero may aspeto doon na hindi rin. Dahil alam din nating lahat na magtatagumpay ang dimonyong 'yon kapag ginawa natin ang mga bagay na pinapagawa niya. Hindi natin inilubog ang Diamonio sa holy water nang hindi nakikipagnegosasyon sa dimonyo dahil bukod sa mamamatay tayo, magbabalik ang kuwintas at may iba nanamang bibiktimahin. At nananalig tayo. Nananalig tayo na sana may mangyaring milagro at mawasak natin ang kuwintas nang walang napapahamak," paliwanag ni Leila.

"Meron," bigla kong sabi.

The Desperate NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon