Ang Patrick de Rossi Subdivision ay isang malaki at tahimik na subdivision. Tuwing umaga, tahimik na nagkakanya kanya ang mga ilaw ng tahanan sa paglilinis ng kanilang harapan. Tuwing tanghali, tahimik na nasa loob naman ang buong pamilya upang manood ng noon-time TV shows, tulad ng Eat Bulaga at Showtime. At tuwing gabi, sumasabay sa katahimikan ng mga natutulog na residente ang ingay sa isang maliit na kubo sa gitna ng kangkungan.
"Tapos sabi niya sa'kin, 'Sige, pwede ako bukas' Aay!! Kakilig! Payag daw siya bukas ng gabi!" sabi ng isang mapayat na lalaki na may suot na maikling pantalon na hindi lang basta maikli kundi kasing-ikli ng ng isang panti. May suot na kulay violet na damit na pagkahigpit- higpit na yumayakap sa kanyang katawan at may maikling buhok na naka-pin sa kaliwa.
Siya si Marlo Martin. 4th year High School at nag aaral sa isang paaralan na nasasakop ng malaking subdivision. At tama ka, ang pangalan ng paaralan ay Patrick de Rossi Academy. Magaling siya sa pag-awit at pagsayaw. Kapag may pista sa loob ng malaking subdibisyon, siya ang palaging inaabangan na mag-perform. Tinatawag siya ng mga kaibigan niya bilang Marla.
"Talaga? Anong oras daw kayo magkikita?" tanong ng may katamtamang katawan na lalaki at may suot na malaking pantalon na katulad ng kay Marla. Suot ang kanyang paborito na dilaw na kamiseta at may maikling buhok ngunti walang pin.
Siya naman si Lester Lontoc. 4th Year Highschool din. Forte ang mga numero, puzzles, equations, formulas, at kahit ano pang ikasasakit ng ulo ng mga taong walang talent dito. Nasa third grading na siya at katatapos lamang niyang mag-periodical exam. Bukas na kaagad ang kuhanan ng card at malalaman ang ranking. Noong nakaraang taon, si Lester ang nanguna sa klase. Tinatawag siya ng mga kaibigan niya bilang Leila.
"Mga ala-siete raw, magkita daw kami sa gate," sagot ni Marla.
"Ano ibibigay mo sa kanya?" tanong naman ng isang lalaking may malaking braso at binti, pero hindi nila ito bodyguard o kuya o tatay, kasamahan nila ito sa federasyon dahil hanep at wagas sa pagtikwas ang kanyang mga braso at daig pa si Vice Ganda sa pagdekwatro. Naka-short lang naman siya ng short na umaabot sa kanyang tuhod at nakasuot ng t-shirt na violet at katamtamang ayos ng buhok.
Kilalanin natin si Edgar Eston. Kaklase at malapit na kaibigan nila Leila at Marla. Gold medalist pagdating sa sports. Lahat ng klase, Volleyball, Basketball, Gymnastics, Badminton at noong nakaraang taon, sa kanilang Provincial Meet, nag-champion siay sa Triathlon. Mas bet niya ang pangalang Ella.
"Hmm...baka pagkain, ano masarap? Siguro sapin-sapin?" sabi ni Marla.
"Gaga! Ang cheap mo naman bakla! Sa guwapo niya sapin-sapin lang ibibigay mo? Dapat niyaya mo na'rin makipad-date si Kuya Totong!" (Si Kuya Totong ay ang kanilang hardinero na kamukha lang naman si Aga Muhlach. Na nasagasaan ng eroplano sa ere tapos bumagsak tatlong libong talampakan sa dagat ng nakatayong karayon na lumiliyab), biro ni Leila.
"Eh kung ham sandwich nalang kaya? Simple 'tas masustansya," sabi ng isang lalaking simpleng simpleng ang itsura. Nakasalamin at katamtaman ang pangangatawan, katamtaman din ang ayos ng buhok. Nakasuot ng shorts na humahaba hanggang sa tuhod. Yumayakap sa kanya ang kulay pula niyang t-shirt at tanging siya lang sa grupo ang may hawak na libro. Libro na may titulong Divergent.
Siya si Andrew Torio. Kaklase nga niya silang tatlo. Bistado mo'ko. Sila ang magkakaibigang tinutukoy ko. Apat sila. At tama ka rin na siya ang pinakamagaling sa salita. Magaling sa jumbled letters, spellin, crosswords, tula, dula, pagsulat, at higit sa lahat, sa comprehension. Libro at magazines ang buhay niya. Maraming siyang libro sa kanyang kuwarto at magaling siyang manunulat. Nananalo siya sa mga kompitisyon. Pero kahit ganito siya, tamad siyang mag-aral, talagang tamad, pumapasok lang siya upang maka-ipon pambili ng libro. Pero, pang-apat siay sa klase noong nakaraang taon. Pinipilit kasi siayng mag review gabi bago ang exam, at dahil sa lahat ng kanyang nababasa ay kanyang natatandaan, kahit ang kuwit, nakakaperfect siya lalo ng sa English. Pero dahil tamad, hindi niya naabot ang Valedictorian. At wala siayng pakialam doon.

BINABASA MO ANG
The Desperate Necklace
De Todo=*= Apat na lalaking hinahamon ang kasarian, hinamon din ng isang desperadong kuwintas. =*= Normal na highschool life lang dapat ang haharapin ng magkakaibigang si Leila, Andrea, Marla, at Ella. Pero nagbago ang lahat nang makapulot sila ng isang kw...