Chapter 8: Ang Astrocamp (part 1)

24 0 0
                                    


Ang Astocamp ay isang aktibidad ng Science Department ng Patrick de Rossi Academy para sa mga Rossians (tawag sa mga estudyante ng Patrick de Rossi Academy). Isa itong magandang activity kung saan matututo dito ang mga estudyante tungkol sa malawak na Universe.

Maraming aktibidad dito, tulad ng stargazing, film viewing, lecture at marami pang iba. May pumupunta na mga eksperto upang ituro ang iba't-ibang constellations at magpahawak ng mga batong galing sa kalawakan sa mga estudyante. Siyempre, para makakita ng bituin at ng planeta, ginagawa ito ng gabi. Overnight. Ibig sabihin malaya ang mga Rossians na gumild sa kung saan mang gilid para mag-"stargazing." Kahit na sinasabing ang lalaki ang kadalasang pumupunta sa langit....

Kaya ginagawa ng SSG at ng Faculty Members ang lahat para ipalaganap ang sining ng disiplina. Kahit na noong nakaraang Astrocamp, ang isang tagapalaganap ng disiplina ay nahuling nasa gilid at nakikipag-"stargazing" sa isang Senior.....

Second Year nang huling ma-experience ng Geminians ang Astrocamp.

Kaya halos lahat ng estudyante ng IV-Gemini ay excited. Liban sa apat na specific na Rossian na sa kung anong kamalasan ay babysitter na ng isang kwintas na galing sa dimonyo....

At alam natin kung bakit.


Bago magtanghali, napagkaisahan ng IV-Gemini na umabsent sa mga panghapon na klase dahil magpapahinga daw sila at matutulog dahil mapupuyat daw sila mamaya. At kailangan daw nilang maghanda (?). Siyempre hindi ito alam ng kanilang guro sa mga pang-hapon na klase. May punto sila na kung walang estudyante, walang magtuturo.

"Wala kong magagawa sa bahay, 'di rin naman ako makakatulog.." sabi ni Andrea kay Leila.

"Sama ka sa'min, manunuod kami ng movie.." sabi niya habang inilalalagay ang mag gamit sa bag habang nag-aalisan ang ibang Geminians.

"Ayoko, nakakaboring 'yon.."

"Andrea, alam mo na kung anong movie ang tinutukoy ko di'ba?" nakangiting sabi sa kanya ni Leila. Napangiti rin si Andrea.

"Sige. Tara!" sabik na sabi ni Andrea.

"Oh ready na?" tanong ni Leila paglapit kay Marla at Ella na nag-aayos ng gamit.

"Wait lang..." inilagay ni Marla ang mga gamit sa bag at nag-umpisa na silang maglakad.


"Ok ka na?" tanong ni Leila kay Marla habang naglalakad sila papunta ng covered court.

Nagbuntong-hininga siya. "Hay ewan, piling ko hindi ko kayang mawala sa'kin si Alvin..."

"Kailangan mo na siyang iwan, Marla. Buhay niya rin ang nanganganib no?" sabi ni Andrea.

"Oo nga. Pero gaano ba atyo kasigurado na tama ang nakita ko? Malay mo nagdo-droga lang pala ako?" sabi ni Marla.

Natawa si Ella. "Gaga, hindi ka nagdo-droga no? Wala niisa dito sa'ten! Pwede ang alak at kung ano-ano pa pero hindi pwede ang droga dito sa Patrick de Rossi Subdivision! Bawal talaga di'ba?" sabi ni Ella.

Tumango naman sila.

"Joke lang naman...ang sinasabi ko lang, pwede ba talagang mapatay natin si Alvin?" tanong niya sa tatlo. Nakarating na sila sa gitna ng covered court at maraming estudyante ang dumadaan sa kanila at nagnanakaw ng tingin.

Tumigil sila sa paglakad. "Hindi ko rin nga nakikita ang sarili natin na may kakayahang pumatay..." sabi ni Ella.

"Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi tayo mag-iingat. Kailangan nating isipin na hindi lang 'yan katulad ng bagwa ni Kris Aquino sa Feng Shui. Iba 'to. Hindi tayo dapat magiging kampante," sabi ni Leila. Nakatingin sa Diamonio na suot naman ni Andrea.

The Desperate NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon