Si Lester Lontoc o si Leila ay masasabing pinakamatalino sa samahan ng apat. Siya ang palaging nasa top ng klase. Siya ang palaging nilalaban ng school para sa mga patimpalak at umuuwing may dalang parangal. Siya rin ang tumatayong leader palagi sa mga school activities nila.
At dahil si Leila ay may presence of mind, kaya siya ang inilagay sa driver's seat.
"Nakaka asar si Mam! Bakit yun pa ang pinahahanap niyang impormasyon?!" sumbat ni Marla na nasa tabi ng driver's seat.
"Oo nga! Ba't hindi na lang kaya si Jose Rizal, si Andres Bonifacio, si Pedro Calungsod o di kaya si Vice Ganda! Bakit pa si Patrick de Rossi!" sigaw din ni Andrea na nasa likod ng driver's seat.
"Pero wala tayong magagawa, research project natin 'to at saka Periodical Exam, kaya kailangan natin gawin!" sabi ni Ella na nasa tabi ni Andrea.
"BAKLA!" sigaw ni Leila.
Tinignan siya ng tatlo.
"Sa tingin nyo nabawasan kaya ang problema natin sa katatalak ng mga puk* nyo?! Umayos kayo! Ganito, hindi naman alam ni Mam na hawak natin ang kuwintas ni Patrick de Rossi at malamang hindi rin niya alam na may kapangyarihan 'yon. Kaya umarte nalang tayo na wala tayong alam sa kuwintas niya, hindi natin ilalagay 'yon sa research natin, at aarte tayo na hindi natin alam ang itsura niya," sabi ni Leila. Nakapokus ang tingin sa daan.
Natahimik ang tatlo bago magsalita si Andrea.
"Bakla ang ganda mo 'don..." sabi niya at saka hinawakan si Leila sa balikat.
"Oo nga, para kang babae sa pagkakasabi mo 'don," kantyaw pa ni Marla.
"Nagmukha ka talagang babae," dugtong pa ni Ella.
Napatawa nalang si Leila. "Ang aarte nyo kasi. Umarte kayo 'pag maganda na kayo," sabi niya.
Tumawa nalang sila.
Mga lang minuto ng pagmamaneho, nagsalita si Marla.
"Sabihin mo nga ulit kung saan tayo pupunta?" tanong niya kay Leila.
"Sa Public Library," nakangiting sagot ni Leila.
"Buti nalang at pumayag ka na ikaw ang magmaneho ng kotse namin kahit na alam mong maaari tayong mahuli, hindi ko kasi alam kung kaya kong magmaneho dahil eh dahil sa lintek na project na 'yan."
"Ok lang, basta sabihin mo sa tatay mo na ikaw ang nagmaneho."
Dumating sila sa Public Library ilang minuto matapos magsalita ni Leila. Bumaba silang apat at tinignan ang malaking library.
"Sana may makita tayo," sabi ni Marla sa mahinang boses.
"Oo dapat may makita tayo," wika ni Leila.
Pagbukas ni Leila ng pinto, bumulaga sa kanya ang isang kagulat-gulat. Hindi libro, hindi ang pangit na librarian, hindi ang naglalakihang mga bookshelf kundi isang guwapo at nakasalamin na lalaki na lumingon kay Leila pagbukas niya ng pinto.
"Put----"
Napigilan ni Marla ang pagmumura ni Leila nang takpan niya ang bibig nito.
"Ano ka ba, dito ka pa nagmumura eh Public Library 'to!" sabi niya habang nakatitg kay Leila.
Tinanggal ni Leila ang kamay ni Marla sa kanyang bibig at dahan dahang itinaas ang kanyang kanang kamay at itinuro ang lalaki.
"Ano ba 'yon?" sabi ni Marla habang dahan dahan ang paglingon. At saka na niya nakita ang lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/33032995-288-k346995.jpg)
BINABASA MO ANG
The Desperate Necklace
De Todo=*= Apat na lalaking hinahamon ang kasarian, hinamon din ng isang desperadong kuwintas. =*= Normal na highschool life lang dapat ang haharapin ng magkakaibigang si Leila, Andrea, Marla, at Ella. Pero nagbago ang lahat nang makapulot sila ng isang kw...