Lahat ng ating mga natututunan at nararanasan ay nakukuha natin sa paaralan. Katulad ng kaalaman natin sa Law of Conservation of mass, Fractions, Functions, ABC, 1-2-3, Periodic Table at marami pang iba.
Nakukuha rin natin sa paaralan ang sa JS Prom, Christmas Party, Halloween Party, Valentines Party. Naranasan din natin na mapahiya, matawa ng sobrang wagas at umibig sa kauna unahang pagkakataon. May karanasan 'din tayo sa mga kaibigan, sa teacher, sa kaklase, sa magulang ng iba, kay crush, at sa boyfriends at girlfriends natin. (Kung meron man).
May iba ring maagang natututunan at nararanasan ang........sex.
Pero ang huling salita ay common na sa pribadong paaralan (na may murang tuition) na may pangalang Patrick de Rossi Academy na nasa loob ng pinakamalaking subdivion sa buong mundo, ang Patrick de Rossi Subdivision.
Lalo na sa section ng apat na IV-Gemini.
"Hoy Marlo, nasaan na 'yung pinapagawa ko sa'yo para sa Physics? Na'ko magagalit nanaman sa'tin si Mam Reyes....." tanong sa kanya ng isang mapayat, maliit, ngunit matalino na may mahabang buhok na babae na lider niya sa Physics. Si Mara.
"Hoy, 'di pa nga ko tapos 'don eh," mataray pa na sagot ni Marla.
"Jusko ka naman, eh parang boarder line lang naman 'yon sa manila paper eh."
"Paano ba 'yon?"
"Kala ko ba nasimulan mo na?"
"'Di pa no!"
Napabuntong hininga nalang si Mara.
"Edi gumupit ka ng mga pahabang piraso ng papel sa gift wrap o magasin 'tas gumupit ka ng glue para idikit doon sa gilid 'nung manila paper. Ayokong magsalita ng masama sa'yo Marlo pero pinipilit mo ko..." mataray na sabi ni Mara.
"Eh put@%&*& mo, alam ko naman gagawin eh."
"Edi gawin mo na!"
"O sige na lumayas ka na sa harap ko nasusuka nako."
Tadtad ng pulbura ang buong bunganga ni Marla dahil sa mga pagmumura niya kay Mara. Hindi naman na offend o ano man si Mara dahil sanay na siya sa basurang bibig ng kaklase. Nagsusulat si Marla ng lecture sa A.P. (dahil deadline na mamaya) kaya hindi siya ngayon nakahalubilo sa tatlo pa.
"Grabe kamo 'yung panaginip ko 'Drey, (paminsan-minsang tawag ni Ella kay Andrea) si Hyujin daw, inaano----(mas nararapat na hindi ko na ikuwento ang napanaginipan ni Ella dahil hindi na ako makahanap ng tamang palusot at alibi para itago ang GRABENG kwento ni Ella)," kwento ni Ella kay Andrea at Leila.
"NAKAKADIRI KANG HAY*P KA!" sigaw ni Leila na ang lakas lakas na rinig sa buong classroom. Pero normal lang na marinig ng kanyang mga kaklase ang ganitong mga sigawan. Nagtawanan naman ng sobrang lakas ang tatlo. Nasa harap pa sila ng classroom.
"Bakla ayan na siya oh," sabi ni Andrea kay Ella nang makitang dumating na si Hyujin (na binibigkas na "Eugene." Silent 'H.' Para daw unique ang spelling ng pangalan niya sabi na nanay niya). Nakipagngitian muna si Hyujin sa mga kabarkada niya bago siya dumaan sa tapat nila Ella.
"Bakla lumanghap ka na," sabi sa kanya ni Leila.
"Ang bango!" bulong ni Ella paglampas ni Hyujin.
Umiwas sila ng tingin nang makaupo na siya at nahuli silang nakatingin.
Si Hyujin ang pinaka crush ni Ella sa buong mundo. (Sobra?). Broad ang mga balikat, kayumanggi ang kulay, paborito ang hairstyle na patayo, mapula ang labi, at makapal ang kilay. Pero alam mo 'yung bagay sa kanya 'tas nakadagdag pa sa pagka gwapo niya? Mabait, makadiyos, pala biro, matalino, at single. Pero ayaw mag mingle. Dahil sa lahat ng lalaki sa kanila (na gwapo), siya pa lang ang hindi taken.
BINABASA MO ANG
The Desperate Necklace
De Todo=*= Apat na lalaking hinahamon ang kasarian, hinamon din ng isang desperadong kuwintas. =*= Normal na highschool life lang dapat ang haharapin ng magkakaibigang si Leila, Andrea, Marla, at Ella. Pero nagbago ang lahat nang makapulot sila ng isang kw...