Chapter 9: Ang Astrocamp (part 2)

23 0 4
                                    

Naglakad na sila Leila papunta sa Science Laboratory, saglit namang tumingin si Ella sa covered court at nakitang may mga naghahanap pa'rin doon. Malamang hindi sila nakita na pumunta dito dahil sa damuhan sila dumaan.

"Dito," sabi ni Leila, tinuturo ang isang upuan kay Ella. Inilapag naman ni Ella si walang malay na si Alvin.

"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Ella sa kanila, tinutukoy si Stacy na patuloy pa'rin sa pagpupumiglas sa hawak niya.

"May tape yata dito eh.." sabi ni Andrea at saka naglakad papunta sa harapan ng Sci Lab at bumalik na may hawak na malaking tape. "'Lam na 'dis.." nakangiting sinabi ni Andrea at saka kumuha ng malaking piraso ng tape. Mahigpit na hinawakan ni Ella si Stacy para 'di na makawala at saka itinapal ni Andrea ang tape sa bunganga ni Stacy.

Nilagyan 'din siya ni Andrea ng tape sa kamay at mga braso at isinandal siya ni Ella sa tabi ni Alvin habang punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.

Napansin ito ni Leila. "Kailangan ba talaga pati 'yung sa braso at binti?"

"Ay, 'kala ko hostage taking 'to eh...." nakangiting sabi ni Andrea sa kanya.

"Kunin nyo 'yung Diamonio..." sabi niya. Agad namang kinuha ni Andrea ang kwintas kay Stacy nang padabog at ibinulsa.

Iniupo naman ni Leila si Marla sa isang upuan. "Ok ka na bakla?" tanong niya.

"Medyo...t@*%# 'yung Alvin na 'yan..." galit na sagot niya at saka tumingin kay Alvin. Wala pa'ring malay si Alvin at mahimbing pa ang pagkakatulog.

"Ano na ngayon?" tanong ni Ella habang nakatigin silang lahat kay Alvin.

"Ngayon? Tatanungin natin siya kung ano ang pinainom niya kay Marla..." sagot ni Leila at saka lumapit kay Alvin.

"Bakit?" tanong ni Marla. "Medyo ok na'ko..."

"May mga droga na nawawala 'yung effect pero may iba na palang nagawa sa organs.." sagot ni Leila.

"Ba't 'di nalang dito?" tanong ni Andrea at saka tinuro si Stacy.

"Nabasa ko na 'yung kanya...'di niya alam 'yung Generic Name," sabi ni Leila at saka lumapit sa lalaki. "Ang kailangan nalang natin ay magising siya.."

"Ako ang gagawa..." biglang sabi ni Marla. Tinignan naman siya ng tatlo at saka sila tumabi. Tumayo si Marla at nagpakawala ng matinding sampal na ang lagutok ay rinig hanggang labas.

"T@#%# ka.." nakangiting reaksyon ni Andrea at saka umupo si Marla na parang walang nangyari habang hinihimas ang palad. Lumamat naman ang palad ni Marla kay Alvin at namumula na ito bago pa siya magising.

"Ella pwesto na.." sabi ni Leila at saka sila lumapit kay Alvin. Pumwesto naman si Ella sa likod ni Alvin. Dumilat ang mga mata niya at inusisa ang paligid. Naglakihan ang mga mata niya at sinubukang tumayo pero agad siyang hinawakan ni Ella sa balikat at mabilis na inupo. Parang may bato na nakatambak sa balikat ni Alvin.

"Ano ang pinainom mo kay Marla?!" biglang tanong ni Andrea.

"Marla?" nagtatakang tanong ni Alvin.

Tinignan naman nila si Andrea.

"'Yung tabletang pinainom mo sa kanya...ano ang Generic Name?" biglang tanong ni Leila.

"Ano?! Wala kong pinainom diyan!!!" sabi ni Alvin. Naiinis ang itsura. Tinitigan lang siya ni Leila.

"Lester ano na?" tanong ni Ella sa kanya. Tumitig pa si Leila sa kanya at iritable na ang itsura.

"Ano ang pangalan ng droga?" tanong pa ni Leila, ngayon ay mas malapit ang mukha kay Alvin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Desperate NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon