Chapter 2: Kapangyarihan ng pasigaw na Himutok

60 2 6
                                    


May iba't-ibang klase ng sigaw, sigaw ng isang natatakot, sigaw ng isang kinikilig, sigaw ng isang sigaw ng natatawa, sigaw ng isang pala-sigaw, sigaw ng isang nakikipagtalik at sigaw ng isang nababliw. Pero sa kaso ni Marla kagabi, lahat ng uring ito ay pinagsama sai sang sigaw lamang.

"Marla, ano ba ang nakita mo noong isang gabi? Nakuwento sa'min ng nanay mo ang nangyari...." tanong ni Leila kinabukasan ng umaga sa kanilang classroom. Tinatanong nila si Marla na parang may mahigpit na interrogation.

"Marla sumagot ka naman, natatakot na kami eh," pilit ni Andrea sa kaibigan.

"Marla, sumagot ka na. Bakit ka sumigaw kagabi? Halos nabulabog mo lahat ng kapit-bahay eh," sabi ni Ella.

Ngunit hindi sila pinapansin ni Marla at nakatingin lamang sa blackboard na parang dito nakasalalay ang kanyang buhay.

"Alam ko na," sabi ni Andrea at biglang tumayo.

Tinignan ni Ella at Leila si Andrea sa kanyang paglabas ng room. Napangiti ito nang makitang kasama nito si Alvin pagbalik. Ang pinag-uusapan nila kagabi.

"O ano Marla, hindi ka pa iimik?" sabi nito habang nakahawak sa braso ni Alvin.

Ngunit wala pa'ring reaksyon si Marla.

Napakunot ng noo si Andrea.

Gumapang ang kamay niya sa dibdib ni Alvin hanggang sa umabot na ito sa kanyang leeg. Nakahawak ang kanayng kaliwang braso sa katawan ng lalaki na pawang nang-aakit.

Wala pa'ring reaksyon si Marla.

Hinarap na ni Alvin ang mukha niya sa sariling mukha.

Wala pa'rin.

Tinanggal na ni Andrea ang unang butones ng polo ni Alvin.

Wala pa'rin.

Ikalawang butones.

Wala pa'rin.

Ikatlong butones.

Wala pa'rin.

Ika-apat na butones.

Wala pa'rin talaga.

Huling butones.

Meron na........sa wakas. Nakatingin na si Marla sa katawan ni Alvin na nakaputing sando at namumula na.

"Ngayon Marla, magsasalita ka na ba?"

Hindi pa'rin nagsalita si Marla. Masama na 'to.

Bumitiw sa pagkakahawak si Andrea at pumunta sa likod ni Alvin. Humawak ang kanang kamay nito sa matipuno, guwapo, moreno, at makinis na mukha ni Alvin hanggang sa mapahawak na ang kanayang hinlalalto sa mapulang labi ni Alvin. Bumaba na ito sa leeg at sinabayan ito ng kanyang kaliwang kamay. Gumapang ang dalawa ng magkahiwalay sa balikat nito. Humawak siya sa kuwelyo at nang may buong puwersa, hinablot ni Andrea ang polo ni Alvin dahilan upang mailabas na nito ang mga matipuno niyang mga braso.

Lumabas mula sa likod si Andrea at hawak sa kanayang kanang kamay ang nakalambitin na polo ni Alvin. Lumakad siya na may landing pang-pokpok at inamoy ang polo nito. Matapos niyang amuyin, inihagis niya ito sa mukah ni Marla dahilan upang maamoy nito ang mabango at nakaka akit na amoy ng lalaki. Hinablot ito pabalik ni Andrea. Parang aso naman si Marla na hinabol ang amoy.

"Ano Marla, ito na ang pangalawa sa huli kong gagawin, 'wag ka nang dumiskarte, sabihin mo na ang hinihingi naming sagot"

Pero wala pa'ring reaksyon ang bakla. Matalino at madiskarte ang p*ta.

The Desperate NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon