Chapter 6: Ang Geminians (Part 2)

44 0 2
                                    


Ganito sila tuwing umaga, nagsisigawan, nagmumurahan, naghaharutan, nagtatawanan. Pero iba ito kapag oras ng klase.

Ang IV-Gemini ay isa sa labindalawang sections sa Senior Year ng Partrick de Rossi Academy. Sila ang star section kaya sa section ng apat natipon ang pinakamatatalino sa batch nila. At dahil star section, may ranking sa classroom. At dahil may ranking, may competition. At dahil may competition, may utakan. At dahil may utakan, may dayaan.

"Palakpakan nyo ang Group 3," sabi ni Ms. Tess (matandang dalagang teacher nila sa Filipino) sa kanyang mga estudyante. Nagpalakpakan naman ang klase pero plastik 'yan. Hindi naman lahat, pero may iba.

Dahil kapag bigayan na ng marka, pakunatan na ang mangyayari.

Ang mga kaklse rin mismo ng nag-report na grupo ang mag huhusga sa kanila. Sa tingin ni Ms. Tess maganda itong paraan para makita ang judgement ng kanyang mga estudyante.

May criteria sila kapag may report o performance sa Filipino:

1.      Maayos na paglalahad ng mga impormasyon- 4

2.      Masining na pagprisenta- 5

3.      Audience impact- 1

Total: 10

Kanina, nauna nang mag-present ng dula ang Group 2, relevant sa topic nilang "Iba't-ibang uri ng panitikan." Ang nagbigay ng marka sa Group 2 ay ang Group 3. Pitong puntos ang ibinigay nila. Maasim ang mukha ng Group 2 sapagkat gusto nila ng mataas na puntos para sa kanilang performance. Pero nagkaroon ng pagkakataong makaganti ang Group 2 nang sila pala ang magbibigay na puntos sa Group 3.

Tumayo si Andrea (na nasa Group 2) upang magbigay ng puntos.

"Ang aking puntos na ibibigay sa Ikatlong grupo ay; 'Maayos na paglalahad ng impormasyon,' dalawa. 'Masining na pagprisenta,' tatlo. 'Audience impact,' wala. Dalawa, tatlo, wala. Ang puntos na ibibigay namin sa Ikatlong grupo ay lima," sabi ni Andrea at saka umupo. Mas mababa ng dalawa ang napag-usapan ng Group 2 na ibigay. Matinde.

Pagkatapos ng klase, hindi na ganito ang mga mangyayari. Totoo, nag-uutakan sila kapag nasa klase pero dahil lang 'yon sa malaking expectations sa kanila ng mga teachers. Dahil ang totoo, ang IV-Gemini ay intact sa isa't-isa. Nagagawa nilang maging isang malaking grupo.

Tinatawag nila ang grupong ito na;

"Geminians" (Jeminayans)

Matapos ang klase, tatambay ang karamihan sa Geminians upang gumawa ng project, magtawanan, magmurahan, o minsan, maglaro ng Volleyball o Badminton. Magaling sa Volleyball ang IV-Gemini at kung magkakaroon ulit ng Intramurals sa kanila (tapos na) ay siguradong sila nanaman ang Champion. Dati, nung sila ay Third Year, pabilog silang maglaro sa damuhan. Simple lang. Ititira ng isa ang bola at kung saan ito pumunta na kalaro, titirahin niya  ito sa kahit anong direksyon Hindi sila makapag-laro sa court kung saan malawak at may net sapagkat doon naman naglalaro ng Basketball ang Seniors.

Pero nung sila'y naging hari at reyna na ng lahat ng estudyante ngayong taon, ikinabit na nila ang net sa court at malaya na silang nakapaglaro pagkatapos na pagkatapos ng klase na parang mga players na nagpa-practice para sa Olympics.

Pero may mga kaklase sila na gustong magkuwentuhan sa stage o sa damuhan. Minsan, kapag hindi awkward ang sitwasyon o marami pa ang estudyante, pinipili ng Geminians na tumambay sa damuhan. Tinutukso nga sila ng kanilang guro sa A.P. na huwag tumambay sa damuhan dahil may mga kung ano-anong dura ang nando'n. May plema, laway, sipon o kahit ano pang maaaring idura. (Minsan nakikita ng apat kapag gabi na na may mga anino na nando'n. Isang nakaluhod, isang nakatayo. Akala ng iba nagtatanim. Hehe. Pero alam ng apat kung ano ang ginagawa nila doon at alam nila kung ano ang dinudura ng isa.) Pero kapag hindi awkward ang sitwasyon o wala na masyadong estudyante, pinipili nilang sa stage tumambay.

The Desperate NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon