Ang The 'D' magazine ay ang pinakapaboritong binabasang magazine ni Andrea buwan buwan. Meron siya nito mula premiere issue hanggang sa latest issue. Naglalaman ito ng hubad na litrato ng mga lalaki at mga tips ukol sa kanila. Tips sa pakikipag-usap sa kanila at pagpapakilala. Tips sa kanilang behavior, at tips kung paano sila matutuwa sa'yo sa kama.
Dapat pambabae ang magazine na ito. Pero sa Patrick de Rossi Subdivision, walang diskriminasyon sa kasarian. Kaya hinihikayat pa ang mga kabaklaan na bumili nito dahil hindi pa tanggap sa Pilipinas ang Gay Magazines.
Kaya hindi na nagtaka ang tatlo sa kung paano nakuha ni Andrea si Raulo. Pero, hindi pa masyado.
"Hindi ako pwede ngayon, magkikita pa kami ni Raulo mamaya," sabi ni Andrea sa mga kaibigan habang nasa pinto.
"Andre---Andrew, kailangan nating makipagkita kay Tessa, akala ko ba nag usap na tayo ng matino sa telepono?" sabi ni Leila na muntikan pang magkamali sa pagtawag kay Andrea. Tanggap ng mga magulang niya si Andrea ngunit ayaw lang nitong nagbibihs babae siya o tinatawag na babae.
"Liliban nga tayo sa klase dahil dito eh," katwiran pa ni Ella.
"Kaya nga rin ako liliban ngayon eh. Nagtext din kasi si Raulo na magkita kami ngayon, wala daw kasi siyang klase at may ipapakita siyang libro," katwiran naman ni Andrea.
Halata na ang pagiging close ng dalawa sapagkat palagi na silang nagte-text. Masarap ka-text si Andrea at masarap din ka-text si Raulo. At naiintindihan ni Andrea ang mga traits na tinataglay ni Raulo kaya nga sila naging magkaibigan agad. Totoo ngang naisasabuhay ni Andrea lahat ng kanyang nababasa.
"Uunahin mo pa ba siya kaysa sa amin? Ano ang golden rule? Suckers before the Suck!" sabi ni Marla na naging dahilan ng mahinang pagtawa ni Ella at pagngiti ni Leila.
"T@#%^ mo bakla hindi naman natin golden rule 'yan eh! Napulot mo lang yan sa porn movie!" kantyaw sa kanya ni Ella.
Pero tahimik lamang si Andrea at nakatingin lang sa kanila.
"......palagi lang akong nakabuntot at sumasama sa inyo kapag may mga dates kayo, palagi akong sumusuporta sa inyo, palagi ko ring binabahagi lahat ng nalalaman ko. In short, palagi akong nasa ilalim nyo kapag may lalaki kayo. Nung nakahanap nako ng lalaking nagdala sakin sa itaas, pilit nyo kong hihilahin pababa. Kaya sasagutin ko ang tanong, oo. Uunahin ko siya. Dahil matagal ko na kayong pinauna," mahabang paliwanag ni Andrea.
Lumingon siya kay Leila at nagsalita.
"Leila, kayong tatlo ang kailangan doon kasi wala naman ako nung una nyong nakita ang kuwintas. At wala akong espesyal na kakayahan tulad nyo."
"....sige, pero aasahan ka parin namin dahil dapat ay sama-sama tayo dito," sabi ni Leila. May punto naman, sama-sama nga naman sila dito. Sasamahan nyo sila ah?
"Sige, hindi rin naman siguro kami magtatagal," sabi ni Andrea. "Mag-iingat kayo," dugtong pa niya at saka isinara ang pinto.
Lumakad sila ng tahimik palayo sa bahay ni Andrea. Nagtungo sila sa bahay ni Marla upang upang kuhanin ang kanilang kotse at pinili na ni Marla na siya ang magmaneho. Marunong na sila eh. Maagang tinuruan ng mga magulang.
Nang sila ay nasa kalsada na, nagsalita na si Leila na nasa tabi ng driver.
"Alam mong may punto doon si Andrea...." sabi ni Leila. Hindi nakatingin sa kausap.
"Ayoko na lang pag usapan 'yon..." sabi niya. Arte ni bakla.
"Arte mo bakla...."sabi ni Ella na nasa likod niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/33032995-288-k346995.jpg)
BINABASA MO ANG
The Desperate Necklace
De Todo=*= Apat na lalaking hinahamon ang kasarian, hinamon din ng isang desperadong kuwintas. =*= Normal na highschool life lang dapat ang haharapin ng magkakaibigang si Leila, Andrea, Marla, at Ella. Pero nagbago ang lahat nang makapulot sila ng isang kw...