Testimony #4

24 4 0
                                    

I'm back again! I just got home from a long walk. Literal😂

This is how my day today went. Bandang 3:40 umalis ako para mamalengke. Everything went well. Nabili ko naman lahat ng kailangan ko. Pero ung uwian na, doon na nagkaproblema. Sumakay ako sa maling jeep. So ayon slight nagpanic ako pero slight lang kasi mali ung dinaanan ng jeep. Dapat diretso lang pero lumiko siya. Di ko na nakita ung sign sa harap kasi pagod na ako and malabo ung mata ko or wala na akong pakialam kung anong jeep sasakyan ko. Bago kasi un dalawang jeep ang huminto sa harap ko. Ung una, naiwan ako. Tapos ung sumunod naman is huminto rin. Doon sana ako sasakay kaso ako lang magiging pasahero. Eh ng nauna which is ung nang iwan sakin, hinabol ko then marami kaming sumakay.

Fast forward, napunta ako sa lugar na di ako pamilyar. Alam ng mga pasahero na mali ung nasakyan kong jeep kasi nasabi ko kay manong. Binaba niya ako sa may sakayan ng tricycle na pabalik sa Litex. (Dito sa Commonwealth)

Fast forward ulit, ang tagal kong naghintay sa sakayan kasi kailangan may kasabay ako. P25 un if may kasabay. P50 naman if "special". Past six o'clock na siguro 'yon when I decided to walk. Ang tagal ko kasi naghintay sa sakayan ng tricycle. I was like "Lord, wait or walk away?"

Praying, I decided to go nalang. Then a voice was heard inside my head saying "I will be with you." Then naalala ko ung Joshua 1:9 na sabi ni Lord "Have I not commanded you? Do not be discouraged. I will be with you."

Naglakad nalang ako ng five to ten minutes and by the grace of God, may napara akong driver na tinanong ko if "Litex" ba siya. But he said sa Sandigan lang siya pero pinasakay niya ako hanggang sa sakayan ng tricycle papuntang Litex (di ko alam anong name ng place).While the tricycle was rolling, I was praying and praising God kasi di Niya ako pinabayaan.

So, nandoon na ako sa sakayan papuntang Litex. Need ko pa maghintay ulit kasi kailangang may kasabay ako. Unwilling to wait, after 5 minutes siguro 'yon I decided na maglakad nalang kasi bukod sa sayang ung pera (P20), hinihintay na ako sa bahay.

Fast forward, narating ko ung highway nang safe and sound. I praised God for keeping me safe. Grabe. Before nagpapanic ako kapag nawawala ako. Lalo na kapag wala akong cp. Eh wala akong dalang cellphone kanina. All I had was myself and the extra money.

Lesson learned today is first, tignan nang mabuti kung papunta saan ung sasakyan mo. If ever na mawala ka o namali ng sakay, dapat may extra money ka. 2nd, pray. Always pray and surrender to God. Malaking tulong sakin na nagtiwala ako kay Lord. Kasi naalala ko rin ung mga nangyari sa Judges, 1Samuel na stories. Kaya naging foundation din un kung bakit matapang ako kanina. 3rd, trust God and His power. I praise God for sending me a man who will help me reach my home safe and sound. 4th, trust your instinct. Sometimes or most of the time, si Lord ang nagsasalita. Trust God.

Additionally, sa haba ng nilakad ko di ako nakaramdam ng pagod. Kasi God is my source of strength.

And that's my happy and blessed day! Praise God alone!

Ps. Naikuwento ko sa kanila ang nangyari and tinawanan ko lang kasi masaya ako. At least safe! Nag alala din pala sila kasi ang tagal ko raw nakauwi. It's almost 7:30 na nang nakauwi ako sa bahay. Akala ko di nila ako hinanap.

My Testimonies and LearningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon