Testimony #15: Tell God all that you need

11 1 0
                                    


It's been awhile since the last time I posted my testimony but here I am! hihi Share ko lang miracle ni Lord.

Sa isang subject namin kailangan namin ng ma-interview para sa broadcasting. Binigay 'yong activity sa amin November 17 sa groupchat tapos inayos noong 22 face-to-face.

Ito na nga huhu. 'Yong napili naming topic is bullying. So Mam suggested we will interview someone na expert sa ganoong topic or field. She even suggested specific person na nasa school namin, sa Guidance Office nagtatrabaho.

Tatlo kami sa isang group since we were just 9 students. Ang challenging pa is may isa kaming kagroup na nagwowork sa Munisipyo. Conflicting ng schedule niya and we really had to adjust.

So naghanap kami ng mainterview. Ako 'yong nagvolunteer pumunta sa Guidance para icheck if available ba 'yong teacher na naisuggest ni Mam. 'Yong una, di ko naabutan kasi pagdating ko sa Guidance kakaalis lang nung teacher kasi may meeting sila. Edi naghintay ako doon. Naghintay kami until hapon. Since may staff naman doon, pinakiusapan ko nalang na balikan ko sila sa hapon. Eh wala pa rin. So medyo tense konti kasi November 29 ung broadcasting, november 27-28 pa kami kumilos hahahaha. I informed my groupmates tapos pinaubaya ko na sa kanila 'yon kasi umuwi na rin ako. 'Yong isa kong kagrupo nalang ang bumalik doon. To cut the story short, naghintay kami sa teacher kaso in the end nagback out siya kasi busy talaga.

So ayon panic attack ulit HAHAHHA. Edi naghanap ulit ako ng ibang ma-interview sa guidance office. May isang teacher doon sabi niya okay siya kaso sa hapon wala daw siya. Balak sana namin sa hapon kung kaya mainterview na siya so ayon ekis ulit.

And then I went to the JHS Guidance office. Luckily pumayag 'yong guidance teacher doon. Ang kaso lang sinisipon siya that time. So sabi ko 2pm ko nalang siya balikan kasama na 'yong dalawa ko pang kagroup. Kaso nagdecline ulit 'yong teacher kasi may practice din sila that time sa hapon. Panahon 'yon ng preparation para sa birthday ng University President namin.

So tatlo na ang ekis. 'Yong mga kagrupo ko at syempre ako nagpapanic na. May isa pa akong subject na inaalala that time. Pabalik-balik at palakad-lakad lang ako sa campus. Tapos di pa ako nagtanghalian kasi I need to find someone na mainterview.

Ang set up kasi is live broadcast sa radio station ng school namin. Baka ayaw nila ng live broadcast kaya nagdecline sila. Isa lang 'yon sa tinitignan kong reasons why they declined. Maririnig kasi sa buong campus 'yong live broadcast kaya pressure din talaga hehe.

So ayon, since college department, SHS and JHS ay di nagwork, naisip ko doon nalang sa Elementary. I was praying to God, really para akong desperate. Kasi imagine pabalik balik talaga ako sa mga guidance offices tapos in the end nagdecline lang sila. Tapos wala pa akong kain plus may Photojournalism pa akong subject.

To continue, pumasok ako sa elementary school. Sakto nakasalubong ko yong guard. Medyo strict pa naman hehe pero tinanong ko sa kanya saan ung Guidance office and tinuro naman niya. Umakyat ako sa second floor tapos nakita ko 'yong office. Kaso ang sabi sa isang pintuan, "Guidance Director is out".

So I was like... what to do now?! Tapos I checked the time it's around 12 pm. Akala ko nag-out for lunch lang. Mga 1pm bumalik ulit ako doon kaso same pa rin. So umalis na naman ako. Wala pa rin akong kain huhu.

And while contemplating, nag-pray ako. I was desperate for God's favor. Nag-fb muna ako tapos nakita ko 'yong post.

"Do not worry about anything. Instead, pray for everything. Tell God all that you need and thank Him for all He has done." Philippians 4:6

I will never forget this moment. Turo kasi sa akin na kapag i-meditate mo 'yong Word ni Lord at i-claim mo 'yong promise, talagang kikilos si Lord. Makikita mo na maging flesh and in action 'yong Word na 'yon.

So I prayed and kept on repeating the Verse. Sabi ko "do not worry about anything. Instead pray for everything. Tell God all that you need and thank Him for all He has done."

I said to myself, "Do not worry about anything. Instead pray for everything. Tell God all that you need... Lord, kailangan kong makahanap ng mainterview ngayon. Thank You, Lord sa lahat ng ginawa mo sakin. Thank You, Lord makakahanap ako ng mainterview ngayon."

I tried to relax after. Something was telling me to go back to that office sa elementary. Nagdadalawang isip ako. I was like, "Lord, Ikaw ba 'to?" but I still did it. Tapos same pa rin director's out pa rin.

Buti nalang the Lord guided me sa next door. I scanned the whole place. May library for the children tapos may isang pinto doon. Tapos binasa ko 'yong nakasulat sa main door. Guidance counselor office siya.

Edi sumilip ako. Tapos nakita ko 'yong isang babae. Tumayo siya at pumasok ako sa loob. Tapos sinabi ko na sa kanya anong sadya ko. Akala ko scholar siya kasi she was young and she was wearing the same id lace with mine. But to my surprise siya pala yung guidance counselor!! Hahaha praise God!

So ayon, highly favored of God, nainterview namin si teacher tapos nagustuhan ni Mam (sa subj) ung pre-recorded namin na interview. It was done last Novembet 29, 2022.

Grabe no? Doon ko nawitness how God moved in the midst of my desperation and surrender. Malaking tulong talaga na may bible verses tayong hinahawakan kasi Word 'yon ni Lord eh. And nasabi ko talaga sa sarili ko, God is an ever present help in times of trouble!

I hope we will all have this wonderful experience with the Lord. Basta magtiwala lang tayo sa Kaniya. We were rejected thrice pero the best ang pang-4th na binigay ni Lord. Don't give up! Basta magtiwala ka lang kay Lord and pray! Always pray! Tell God everything you need and thank Him for all He has done. At kahit wala pa ang answer, thank God already as if you have claimed your prayers.

Shalom! God bless everyone!

TO GOD BE ALL THE GLORY FOREVER AND EVER!

My Testimonies and LearningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon