Keep Your Promises to God

21 3 2
                                    

Ecclesiastes 5:4-5

⁴When you make a promise to God, don’t delay in following through, for God takes no pleasure in fools. Keep all the promises you make to him. ⁵It is better to say nothing than to make a promise and not keep it.

Ilang beses na ba tayo nangako kay Lord na di na tayo gagawa ng kasalanan, basta lang i-save Niya tayo sa kapahamakan? Ilang beses na ba tayo nanumpa o nagplano na magiging tapat na tayo sa Kanya pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari?

Madali lang magbitaw ng salita at pangako pero mahirap panindigan. I remember these past few days sabi ko everyday na ako magde-devotion at i-share sa inyo pero dalawa o tatlong araw ata ako nanahimik kasi inuuna ko ang ibang bagay. Ngayon lang ulit ako nagparamdam sa inyo. Then kanina as I opened my bible, Ecclesiastes 5 ang binigay ni Lord. Na-rebuke ako pero naramdaman ko pa rin ang pagmamahal ni Lord. Ganoon naman si Lord. He is a loving God. And I was reminded that I made a promise to God that I will be faithful to Him and di ko pa pala nagagawa.

And that's what I realized today. It's a foolish thing to make a promise to God pero di rin pala natin gagawin. Parang sa atin lang din. Kapag may nangako sa atin tapos umasa tayo at di rin naman natupad, 'di ba madidisappoint tayo? Masasaktan tayo at feeling natin di na sila mapagkakatiwalaan. But even though ganoon tayo, si God naman ay naghihintay lang kailan tayo kumilos. Pero kailan nga ba tayo kikilos? Kapag ba huli na ang lahat? When we delay our works, the blessings and the anointing is also delayed.

But the point here is, kung tayo man ay mangako sa tao at lalo na sa Diyos, gawin natin. Panindigan natin. Kasi kayabangan lang kung tayo ay mangangako pero di rin naman natin gagawin at di tutuparin. Ecclesiastes 5:5 "It is better to say nothing than to make a promise but not keep it."

My Testimonies and LearningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon