Whoever hates his brother is a murderer, and you know that no murderer has eternal life abiding in him. 1 John 3:15
One time I was upset, feeling lost, was losing my temper and just indifferent. Parang iba talaga 'yong ugali ko that day.
Tapos may bumili sa amin ng ice (nagtitinda kami ng ice) tapos supposedly 5 pesos (kasi malaki talaga 'yong ice namin compared sa iba na 5 pesos tapos maliit lang). Then mayroong ginang na bumibili sa amin tapos 4 pesos lang 'yong favor niya kay Mama. Tapos ako naman kilala ko kasi siya, nagtitinda ng isda tapos ang mahal.
So parang ako naiinis kasi 4 pesos lang binibenta ni Mama tapos ang mahal ng isda nung ginang kapag bumibili kami.
One night bumili yong ginang tapos akala ko wala kaming ice. So sabi ko sa kanya na wala. Pagtingin ko sa freezer, meron pala. Eh nakaalis na yong ginang.
Then nagsulat ako sa notebook ko, gawain ko talaga kapag may gusto akong sabihin kay Lord. And while confessing how I felt that night, para bang may nagsasabi sakin na "para sa 1 peso daginuton nimo?" Kumbaga piso lang ipagdadamot ko pa 'yon?
Eh kasi diba lahat naman tayo gustong mag-thrive or makasurvive sa araw-araw. Tapos ako itong hindi pa umiintindi minsan. Kaya 'yon naalala ko sabi sa Bible na 'if anyone hates a brother or a sister, he is a murderer'.
Imagine no? Di ka naman literal na pumatay sa isang tao pero naging murderer ka pa rin kasi you hate your brother or sister. Ikaw din ba minsan parang ayaw mo sa isang tao kahit wala naman siyang ginagawang di maganda sayo?
Then, we need to check our hearts! Grabe si Lord no? Kasi tinatama talaga Niya ang mga puso natin. Minsan o madalas parang ang tigas ng puso natin, kaya naman God will speak to us na kailangang manaig ang pag-ibig sa mga puso natin.
Kagaya na lamang ng pag-ibig ni Jesus. He laid His own life to save us, para mapatawad ang lahat ng mga kasalanan natin. Di ba hindi naman madamot si God? Kaya bakit tayo nagdadamot sa kapwa natin?
I am still learning and by the grace of God nacocorrect 'yong heart ko. Sana wag tayong tumigil na matutuo at magpaturo kay Jesus. Si Jesus pa rin naman 'yong best example nating mga Christians.
Kaya naman, let's give our best to love our family, friends, and even strangers.
To God be all the glory.
Ikaw? Anong kwento mo? Tara, usap tayo!
BINABASA MO ANG
My Testimonies and Learnings
SpiritualProverbs 19:20 Listen to advice and accept discipline, and at the end you will be counted among the wise.
