On Our Bended Knees, We Have God's Peace
Minsan talaga 'di na natin alam anong gagawin natin sa mga nangyayari ngayon. Sa sitwasyon sa pamilya, trabaho, skwela at maging sa sarili natin. Parang bang darating tayo sa point na surrender nalang ang kaya nating gawin. Give up nalang tayo.
Pero alam mo anong natutunan ko sa nangyari sa'kin? It's "when we are down on our knees, there is peace." There was a time when I could no longer think of anything good dahil sa nangyayari sa family ko. Luhod ako kay Lord and I prayed desperately. It was a humbling moment pero doon ko rin natutunan na when we surrender to God, there is victory. When we kneel down in surrender, doon natin mas lalong ma-experience ang love, peace and comfort ni Lord. Doon natin mas lalong ma-meet ang grace ni Jesus.
For me I was hopeless and hopeful kay Lord at the same time. Pwede pala 'yon? Hopeless kasi wala talaga akong magagawa to change the situation but HOPEFUL kasi alam kong si Jesus lang ang may kayang baguhin 'yon.
And what I realized too, hindi man natin makuha agad 'yong sagot sa prayers natin pero makukuha agad natin 'yong peace and assurance from the Lord if we just believe and keep on trusting Him. Sa pamamagitan din ng circumstances natin tayo 'yong binabago ni Lord. Tayo 'yong dinidevelop Niya. Sabi nga ni Paul, "God causes all things to work together for the benefit of those who love Him and those who are called with a purpose."
Iba-iba 'yong pain at problem na pinagdadaanan natin ngayon pero iisa lang ang Diyos natin. Kaya mapapayo ko sa inyo, whatever pain you are holding right now, give it to God. "Lord, sa'yo na 'tong pain ko. Bigyan Niyo po ako ng peace sa aking isip at puso." With those simple yet sincere prayer, God will move supernaturally. Kailangan lang nating magtiwala. AMEN?SHALOM, FRIENDS. I pray for all of us to have peace and comfort from the Lord and He will pour out His abundant grace and mercy to us and to our families in Jesus' MIGHTY NAME!
BINABASA MO ANG
My Testimonies and Learnings
SpiritualProverbs 19:20 Listen to advice and accept discipline, and at the end you will be counted among the wise.