Testimony #14

9 1 0
                                    

Hello everyone! I'm back with a new and fresh testimony of how God has been with me throughout my journey.

Sa tanang buhay ko na nag-aaral, ngayon lang ako nakaranas na lilipat ako ng school na 'di tinatapos 'yong buong journey sa isang institution. College na ako ngayon, 3rd yr. First and second yr, sa PLM ako but then this 3rd yr, I have to choose what is the best for me. I have to transfer here in Bohol and finish my degree in Communication.

At first, I was hesitant. PLM has been my comfort zone eversince the pandemic started. Libre ang tuition at may allowance pa every month. Kahit na grabe rin 'yong iyak, puyat at frustration ko sa PLM, I know deep inside my heart dito ko pa rin gustong magtapos.

Pero ayon nga. I was challenged. I prayed to God that I will be able to do His will. I can't leave Bohol either. At 'di rin puwede na maiwan ko 'yong dapat kong gawin dito, which is to serve God and handle a youth ministry.

As I kept on praying for it, one day nakapagdecide na ako na magstay dito. Naisip ko rin na baka mahirapan ako sa Manila kasi wala akong matitirhan doon and most probably I will look for a bedspacer or an apartment.

But here were the challenges: Saan ako kukuha ng scholarship? Sino magbabayad ng tuition ko? Paano kung 'di papayag sila Mama at tita? Ang dami kong mga tanong, mga concerns and worries. Tapos kung lilipat ako ng school, paano na 'yong friends ko sa bloc ko? Di ko pa sila nakikita in person but they were already a part of me.

At 'yon na nga, I told tita about this. Si Mama rin sinabihan ko na dito nalang ako mag-aral at ayoko ng bumalik sa Maynila. Noong una, di sila pumayag kasi sayang daw ung PLM. Sayang libre tuition, sayang 'yong allowance. Naisip ko na rin 'yan but the Lord kept on impressing my heart that I need to stay here. He kept on reminding my heart what I really wanted to do, and that's to serve Him.

And by the grace of God, pumayag na si tita na dito na ako mag-aral. So noong Monday at Tuesday, nilakad namin ng kapatid ko 'yong enrollment namin dito. Same kami ng school. Di naman kami mayaman pero we both transferred to a private school. I told God, "I want to follow you, Lord. I want to obey You. And this is our plan."

Ano man ang mangyari, alam kong hindi kami pababayaan ni Lord sa pag-aaral namin. Hindi kami mayaman sabi ko nga pero mayaman ang Diyos na tinitingala at pinagsisilbihan namin. Alam kong makakapagtapos kami ng pag-aaral no matter what it takes.

But here is the very highlight of my testimony:

May registration fee kami P800 tapos dalawa kami ng kapatid ko. We need P1600. 'Yong binigay ni Mama 2k. 'Yong P400 doon, sapat na 'yon pamasahe back and forth.

At dito ko talaga nakita ang kamay ng Diyos sa lakad namin. Last week may nakapagbigay sa akin ng ayuda galing Manila. 2k din 'yon. Akala ko magagamit ko 'yon para sa Access 1 namin pero hindi. Tanghali nung Monday, need namin mag-lunch kasi ang dami rin naming ginawa doon sa school na tatransferan namin. Noong una, nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko ba 'yong ayuda or i-reserve 'yon para sa Access 1. Pero sabi ko, "Lord, kung maka-withdraw ako ng pera, will mo 'to. Gagamitin namin 'to pang-lunch." Nakakatawa kasi 'yong unang ATM machine, okay naman siya pero niluluwa 'yong cash card ko hahaha. Kung titignan natin, para bang "sign" siya na huwag kong gamitin 'yong pera. But then I waited for the lady to finish tapos ako na sumunod sa kanya. By the grace of God, nakapag-withdraw ako ng 1k para pang-lunch namin. And by the grace of God ulit, nakapag-lunch kami and super thankful ako kay Lord kasi nag-provide Siya ng pera para sa amin ng kapatid ko. Ang dami naming nagastos para sa school yet we lacked nothing kasi inayos na ni Lord ang lahat ng mangyayari sa araw na 'yon.

At heto na nga. Hapon na 'yon at closed na 'yong teller sa school. Nakapunta kami sa registrar, inayos nila 'yong enrollment form namin tapos ginawan kami ng account. Ang kaso lang, we had to pay for registration fee eh sarado na 'yong teller kasi lagpas alas singko na. Kailangan naming bumalik kinabukasan para maayos na lahat. Eh ang layo pa ng bahay namin. We have to pay P90 para sa pamasahe. Eh dalawa pa kami ng kapatid ko. Kaya grabe talaga 'yong provision ni Lord sa amin kasi kasyang kasya 'yong 1k na naiwithdraw ko that Monday. Nakabili pa kami ng pasalubong. Kinabukasan, I also withdrawed the 1k kasi kailangan namin para pamasahe ulit at pagkain.

But what really amazed me was that dalawang araw 'yong lakad lakad namin. As in literal na ang haba ng nilalakad namin ng kapatid ko pero 'yong grace at strength na binigay ni Lord nag-uumapaw. Ang sakit ng likod ko kada uwi kasi sa pawis din 'yon saka 'yong pagiging uncomfortable ko sa upuan. Yet, I made it all because God has provided and guided us.

Grabe noh? Ang amazing lang ng love ni Lord for us. Akala natin aksidente lang 'yong mga nangyayari tapos itetest ka pa ng situations to prove that you can make it. Not to mention, Monday at Tuesday ang daming estudyanteng nakapila kasi kumuha sila ng certificate of enrollment. Ang hirap makasingit pero lahat ng 'yon natapos namin kasi nandoon si Lord. Tinulungan kami matapos ang lahat.

Kaya naman whatever you plan to do lalo kung will ni Lord, huwag kayong mabahala. God has already prepared everything that He meant to happen. We just have to completely trust the Lord even in uncertainties. Who would have thought that we will make it? It's only by the grace of God!

To God be all the glory, praises and honor forever and ever!

My Testimonies and LearningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon