Chapter 5

115 12 24
                                    

Ayo guys! Ano masasabi niyo sa mga kagag.hang pinagsusulat ko na 'to? Hahahaha! Feedbacks dre, please. :D

- C h a p t e r   5 -

"Attack kayo ng attack sa CoC! Di niyo alam, mga syota't chixx niyo ina-attack na ng iba! Hahahahaha!" dada lang ng dada si Harris sa mga kasamahan niya sa booth nila na naglalaro ng CoC. Ito ay para ma-destruct ang mga ito. Wala kasing pumapansin sa kanya kanina pa dahil nga puro busy ang mga ito sa katitig sa mga cellphones nila.

"Taranggago ka hyung! Ayan tuloy wala na! Mukhang chikiiiiin! Leche! Ipakain kita sa sapatos kong 'to oh!" itinuro naman ni James ang kanyang black shoes.

"Ayy, very ouch shoes! Hungry is the shoe. Tsk tsk tsk." komento ni Harris habang tinitignan ang black shoes ni James na gutom na gutom na ---- I mean, ngangang-nganga na o bukang-buka na. Yun bang hiwalay na yung goma sa ilalim sa pinaka sapatos (Suwelas?) ?

"Ulol hyung, Tinagalog mo na lang sana ano? Mas maiintindihan pa namin." ika ni James sabay hinubad yung nakanganga niyang sapatos at binato ito.

"Shoot! Sapul! WAHAHAHHAHAHAHAHA!" pinagtawanan lang nina James at Harris pati na rin nung mga kasamahan nila sa booth yung lalaking tinamaan nung sapatos ni James sa ulo. Medyo malayo rin yung narating nung sapatos kaya palinga-linga yung lalaki at tinitignan kung saan ba galing yung sapatos habang hilot-hilot nya yung ulo nya.

Nakita naman nilang nagkibit-balikat yung lalaki tapos inilapit nito yung sapatos ni James sa mukha nya dahilan para mapangiwi silang lahat. Ang shunga grabe!

Malayo-layo sila pero pakinig nila yung hiyaw nung lalaki, "Putaragis! Taragis! Puki-ng-ama ninyo, ang bahooo!" ibinato nung lalaki yung sapatos ni James at saktong may natamaan na naman nung flying sapatos. Unfortunately, para doon sa lalaki, teacher ang natamaan dahilan para tumakbo siya at hinabol naman siya ng teacher.

"Hanep ang flying stinky sapatos mo, dre! Hahahahahaha!"

"Hay naku hyung, lumayas-layas ka na nga dito at wala ka namang naitutulong!" pagtataboy ng binata kay Harris. na-hurt hurt naman si Harris kaya lumakad na lang sya palayo.

Pisteng James. Kaya di natangkad eh. Kire! Talande!

Naglakad-lakad si Harris, di niya alam kung saan pupunta basta napadpad na lamang sya sa may lumang library ng school nila. Creepyng tingnan kasi medyo isolated na ito at sa labas pa lamang ay halata ng di na ito nalilinis. Well, malapit na naman itong gibain dahil pagtatayuan na ang kinatitirikan nito ng bagong building.

Choose Me, VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon