Chapter 3

144 12 62
                                    

Yow!

- C h a p t e r  3 -

Kasalukuyang nakatambay si Vrent sa may labas ng village nila, sa isang sari-sari store, ang SM store.

"Saning and Miriam [sari-sari] Store"

Umagang-umaga eh nakatambay lang sya dun habang humihithit ng rugby. De joke lang. Habang umiinom ng softdrinks na naka-plastic at may straw.

Wala syang kasama sa kanilang m a n s y o n kasi nasa-Isabela ang mommy niya para sa isang seminar samantalang nasa Japan naman ang daddy niya para naman sa isang business trip. Wow rits kid.

Nag-seselfie pa sya nyan habang sumisipsip ng softdrinks ng may marinig syang usapan ng mga tambay doon na di kalayuan sa kanya. Sina Noel, Nino at Toto. Kapwa nasa mid-30's na nila.

"Pre, malapit ng manganak ang asawa ko!" sabi ni Noel habang lumagok ng isang basong beer na bili nila sa SM store.

"Konggrats pare! Eh ano namang ipapangalan mo sa magiging anak mo?" tanong sa kanya ni Nino.

"Pre, babaliktarin ko lang ang pangalan kong Noel. Leon... Leon ang ipapangalan ko sa anak ko." masayang sagot ni Noel sa kasama

"Ako din pre, kung ako magkaka-anak na, babaliktarin ko na lang din ang pangalan ko na Nino para Onin ang pangalan ng anak ko." ika ni Nino. Napatingin naman sila sa isa nilang kasamahan na si Toto na tahimik lang na bumabarik.

"Tangina niyo, di ako kasama sa trip niyo, leche!" wika ni Toto sabay walk-out.

"Pre, anyare kay pareng Toto?" tanong ni Noel kay Nino.

"Ewan, nagkukwentuhan lang naman tayo sa pababaliktad ng pangalan natin para sa ipapangalan sa anak natin." sagot ng huli

Hindi na tinapos ni Vrent ang pakikinig sa mga tambay at naglakad na sya paloob sa kanilang village. Kumaway pa siya sa tatlong security guards na nakasalubong niya. Napaisip din sya kung bakit ba nag-walk out yung isang tambay doon eh wala namang masama sa pinag-uusapan nila.

Makaraan ang halos sampung minuto ng paglalakad ay narating ni Vrent ang bahay nila. Inihagis lang niya ang katawan nya sa kanyang kama at napabuntong hininga. Napapakunot ang noo niya na wari ba'y may malalim na iniisip.

Makaraan muli ang halos sampung minuto ay biglaan na lang napatawa ang binata.

"Wahahahahahahha! Taena, Otot pala ang magiging pangalan ng anak ni Toto! Hahaha kaya pala nag-walk out ang p.ta!" sa wakas, sa halos bente minuto ng pag-iisip ay ngayon lang niya nagets kung bakit nag-walk out si Toto.

Choose Me, VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon