Muling bumabangon mula sa pagkakahimlay... JOKITY!
Pasensya na kung waley na waley, kasi naman... Seryoso na akong nagta-type ng pang-ud. Ang haba na nga at patapos na eh kaso biglang nag-restart ng kusa yung computer. Nakaka-tangshet di ba? Okay, blame the computer not me. Jokity ulit. May bloke kasi sa isip ko na pumipigil sa mahiwaga kong pag-iisip ng susunod na maititipa (shet). Wala akong mapiga sa utak ko, langya. Niweys, wala pa akong plano sa kung anong mangyayari at katatapusan nito kaya pasenysa na kung magulo. Hala sige, basa na!
- C h a p t e r 7 -
Lahat ng tao sa loob ng hotel ay nagpapakasaya. May nagsasayawan, nagkakantahan, kumakain, at nagtatawanan. Lahat ay dinadama ang saya ng gabing ito lalo na ang mga malapit ng magsipagtapos, ang mga Grade 12 kasama sina Harris, Ramon, Kaydee, Minah, Yoseffe, Chiene, at Symon. Ang iba sa magkakabarkada ay mga Grade 11 pa lamang.
Silang lahat ay nakaupo sa harap ng dalawang malaking round table. Maraming pagkain ang nakahanda nasa harap nila. Kasalukuyan silang kumakain, walang umiimik. Sadyang ninanamnam lang nila yung lasa ng pagkain. Para ba namang hindi sila nakakain ng ganun eh ang yayaman nila, chos.
Matapos ang kainan ay nahuli ang kanilang atensyon ng isang babaeng umakyat sa may mini stage sa harap nila, "Good evening, young ladies and gentlemen!" bati ng ginang sa harap nila, ito ay ang lola ni Ivee. Ang ginang na nagmamay-ari ng school nila. "Enjoying the night, eh?"
Nagsisagutan naman ang mga dalaga't binata sa loob ng hall ng 'Opo!' 'Yes of course!' 'Yes naman!'
"Ipagpatuloy niyo lang ang pagsasaya..." napatigil ang iba sa kanilang ginagawa dahil sa sinabi ng ginang.
Shet! sasabihin ba niyang '...dahil ito na ang huli niyong gabi.' ika ni Kaydee sa sarili niya. Ito naman, masyadong nerbyosa. Tirakasi ng tira tuwing gabi...
Tira ng tira ng kape.
"...lalo na ngayong may special guest tayo tonight!"
At dahil doon, nagsimulang magbulung-bulungan ang mga estudyante. Alam nilang may mage-special guest ngayong gabi pero ay pinagtataka nila ay kung sino. Napangiti na lang ang mga Student Council officers dahil alam nila kung sino ang mga ito.
Napatingin naman sina Renna at Kaydee kay Xyra.
"So, are you guys ready?!" sigaw ng ginang.
"YES NAMAN!" sagot ng mga estudyante.
"Ladies and gentlemen... Ang isa sa mga grupong sikat na sikat ngayon sa ating bansa... WRONG MR. RIGHT!" nagsihiyawan ang lahat ng estudyante kasabay ng paglaki ng mata ni Xyra. Ganoon na lamang din siyang napanganga ng makita niya ang pagpasok ng limang lalaki sa mini-stage, lalo na ng mapadpad ang kanyang paningin sa gitarista ng banda.
BINABASA MO ANG
Choose Me, V
Fanfiction"I might sound selfish and desperate but whatever it takes, I'll do anything that I can do just to make you love me... Just to make you choose me. Please. Choose me, V." - - - This story is dedicated to @XyraAnneCacaldaAbadi ♥