Chapter 4

136 14 49
                                    

Yes naman malapit na birthday ni Hobi, at sa day na yun eh camping namin kaya ayan aylabyu ol. pasensya sa bangag update. Anw, Happy Valentines Day sa inyo;;




- C h a p t e r 4 -


"P.ta. Next time nga mago-overnight kayo dito, magdala kayo ng damit mga hayup! Kung di ko pa kayo pahihiramin!" maktol ni Vrent sa mga kabarkada nya. Napagdesisyonan kasi nila na sa bahay na ng binata matulog tutal wala naman din itong makakasama at walang pasok bukas.



Ang problema nga lang dun, walang handang damit ang mga binata. Buti pa ang mga dalaga na mga girls scout, laging handa.



"Tamo, kung sino tong makapagmaktol. SALAMAT SA BUTAS MONG BRIP HA? BENCH NGA BUTAS NAMAN UL.L!" sagot sa kanya ni James saka nito dinantay ang hita nito sa katawan ni Kent. Wow ang gwapo naman ng daklayan eh no?


"Ulol. Kayo na nga 'tong nanghihiram eh! ays. Oy Chie, di ka ba talaga na uuwi?" -Vrent


"Sa tingin mo uuwi pa ako ganung alas-diez na ng gabi? Ulol." napangiwi na lamang si Vrent sa sagot sa kanya ni Chiene.



Hanep talaga ang mga babae kapag may dalaw.


Kaya lang naman niya tinatanong si Chiene kasi nag-text sa kanya ang kuya ni Chiene na si Lanlan.


[From: Lander LanlanDi Han

oy vrent, jan ata mago-overnyt cna chie. makikibantay na lng sa kanya ha. pag may nngyari jang masama ikaw bubugbugin ko. ge gudnyt. pakyu.]


Napa-tsk na lang si Vrent sa text sa kany ng kapatid ni Chie.

Leche tong makapag-text. Mas astig naman ang style ng pagta-type ko. Ulol.



Magkakatabing natulog ang mga sa guest room nina Vrent. Malawak naman ang room at may dalawang kama na pang-isahang tao at isang malaking double deck. Inokupa nina Kaydee at Chine, Renna at Kristelle ang double-deck na kama, samantalang pinagdugtong na lang nina Xyra, Anathea at Minah ang dalawa pang kama at doo'y sila ang nagtabi-tabi.


Nilatag na lang nila ng patong-patong ang mga comforter sa sahig at doon humiga sina Ramon, Harris, Yoseffe, at Symon. Samantalang sina Vrent, James at Kent ay magtatabi-tabi sa kwarto ni Vrent.



Nagbatian na ng kani-kanilang 'god nights' ang magkakabarkada saka tumulog na ang iba. Sa kwarto naman ni Vrent...


"Hyung, tabi-tabi tayo sa kama mo?" tanong ni Kent sa kay Vrent.

"Oo, kasya naman siguro tayo." inayos lang saglit ni Vrent ang kanyang mga gamit at sila'y nagtabi-tabi na sa kama.

Choose Me, VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon