Chapter 14

65 6 18
                                    

C h a p t e r   1 4

Renna's POV

Nagising ako dahil sa mumunting ingay na naririnig ko. Nagmulat ako ng isang mata saka napansin na puting-puti ang kisame ng kinaroroonan ko.

Hindi. Hindi ito ang kuwarto ko. Yung kisame ko kasi, may mural na parang langit. Mixture if baby blue and white yun eh.

Dahan-dahan naman akong bumangon. Saka ako napabuntong-hining ng malalim na parang ngayon-ngayon pa lang ako nakakabawi ng paghinga mula ng hikain ako.

Ay oo nga pala, hinika ako. At nasa clinic ako ngayon?

Pinakinggan ko ulit ng maigi yung naririnig kong tunog, maliban sa ingay ng mga estudyante sa labas.


Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that we could be like that
Why can't it be like that? 'Cause I'm yours

Ano ba 'yan. Ang senti ng kanta. Ang drama, pwe. Napansin ko namang may taong nakaubob sa harap ko dito sa kinahihigaan kong kama. Sinilip ko kung sino ito.

Brownish na buhok. Maputing batok. Malinis na damit. Silver necklace. Baluktot na mahahabang mga daliri.

Ahh. Si Symon hyung! Siya siguro ang nagdala dito sa akin.

Tinignan ko naman ang oras sa may wrist watch ko. 2:38 pm na. May mahigit dalawang oras nadin pala ako dito.

Pinoke ko naman yung batok niya. Di ko kasi masundot yung pisngi niya kaso nga nakaubob siya.

Wala. Pinoke ko ulit. Wala pa din. Ang ginawa ko, hinila ko yung back part ng collar niya paitaas. Kung magbutones pa naman 'to, sagad hanggang sa may kuwelyo niya. Yung parang pari? Hinili-hila ko pa ulit ito. Hehehe, trip lang. Hinila ko ito hanggang sa nagising na siya at nag-uuubo.

"Ack! Ano ka ba, Renna! Ang sakit ng lalamunan ko sa pinaggagagawa mo!" Uh-oh. Masama nga pala 'tong pag-tripan kapag bagong gising. Medyo mataas ang boses niya nang sinabi niya yan.

Yumuko ako, "Sorry," sabi ko. Para naman siyang natauhan dahil sa pagsigaw sa akin.

"N-Naku, sorry d-din R-Renna. Hindi ko sinasadyang masigawan ka!" tapos pinagmasdan niya ako saglit, "Ahmm, ayos ka na ba? Hindi.na ba masakit?" masakit?

"Masakit? 'Yung dibdib ko, hindi na. Pero 'yung puso ko..." bigla namang lumamlam ang tingin niya sa akin. Nginitian ko na lang siya ng mapait.

Pero nabigla lang ako ng ipinatong niya ang kanang kamay niya sa kanang kamay kong nasa kama. Tinignan ko siyang mariin.

"S-Symon hyung,"

Tumitig lang siya sa akin sglit saka ngumisi 'yung mapanlokong ngisi.

"Sabi na kasing 'wag ng hyung! Kababae mong tao eh. Kulit!" kadiri kaya kapag 'oppa'. Parang iba ang dating sa akin eh. Tapos kinurot niya ng madiin ang pisnge ko.

"Pishte ka ang shakiiiiit! Oooy!" baka magka-pasa pa ako sa pisnge ko. Grabeng manggigil 'tong si hyung! Ginewang-gewang pa niya yung mukha ko. Mamaya niyan kamukha ko na si Spike, yung asong laging kalaban ni Tom. Medyo malawlaw yung pisnge nun eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Choose Me, VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon