- C h a p t e r 9 -
Last day na ng week-long inter-school sports & game competition ng St. Therese Academy, Our Lady of Lourdes Academy (OLLA) at St. Michael Academe.
Tagaktak na ang pawis nina Xyra. Ilang minutes na lang at matatapos na ang last game. Kasalukuyan nilang kalaban ang players mula sa OLLA. Naka-dalawa ng talo ang volleyball-girls mula sa SMA kaya di na sila makakalaban pa sa finals. Manalo lang sila sa game na ito ay sila na ang tatanghaling champion.
Maigi namang nanunuod ang lahat ng mga kabarkada nila habang sinusuporthan nila. Ito ang nagsisilbing hugutan ng lakas ng magkakabarkada.
Matagal ding nagpalipat-lipat sa dalawang grupo ang bola at hindi pa ito lumalapag sa sahig. Ilang segundo na lang ang natitira. Hanggang sa...
"MINE!" sigaw ni Kaydee.
*pak*
Parang nag-slowmo ang lahat at maiging tinitignan ang bola - kung ang spike ba ni Kaydee ay masasagot o --
"IN!" at dahil sa super spike ni Kaydee, sila ang nanalo laban sa kalabang school.
Napuno ng mga hiyawan ang buong gym. Nag-group hug ang magkaka-team mates - ang iba'y napapaiyak at ang iba'y ngiting-ngiti sa tuwa.
"YEEEEESSSSSSS!" nananaig ang saya sa puso ng bawat members. Lalo pa't naggawa nila ulit manalo laban sa nakalabang koponan. Last last year kasi ay sila ang nanalo, pero last school year, di nila naggawang makuha ang tropeo.
Lumapit ang mga kabarkada nina Xyra, Kristelle, Chiene at Kaydee sa kanila saka sila ni-congratulate.
"Ang galing mo talaga, Chie kahit wala kang naipuntos! Labyu," sabay yakap ni Harris sa pawisang dalaga. Eeeewwww.
"Meron kaya! Mukha mo," nilayo naman ni Chie si Harris sa pamamagitan ng pagtulak sa mukha nito palayo sa kanya.
"Gwapo!"
"Kristelle, marunong ka bang magbilang?" banat naman ni James kay Kristelle.
"Aba'y siyempre! Anong tingin mo sa akin? Bobo? Di mo ako kauri!" medyo-hard na sagot ng dalaga kay James.
"Sige nga kung marunong ka, anong sunod sa 'I love you, one'?"
"Edi 'I love you, t--- LOKO KANG PANDAK KA AAH!"
Napansin naman ni Xyra na wala ang kanyang best friend -- si Renna.
"Hoy, nasaan si Renna?" tanong nito kina Vrent.
"Naglalaro na sila ngayon nina Symon. Nagsisimula kasabay ng game niyo,"
"What? Edi walang mangchi-cheer sa kanila? Ano ba naman kayo! TARA NA!" agad namang nagtakbuhan ang magkakabarkada papunta sa kung saan naglalaro sina Symon at Renna.
--- xx
Hindi gaanong mapakali si Renna. Kasalukuyan siyang nasa loob ng hall na binabalot ng purong katahimikan. Puro mahihinang bulungan at pag-hit ng chess clocks ng mga player ang maririnig. Doon siya nakapuwesto sa desk na malapit sa may bintana.

BINABASA MO ANG
Choose Me, V
Fanfiction"I might sound selfish and desperate but whatever it takes, I'll do anything that I can do just to make you love me... Just to make you choose me. Please. Choose me, V." - - - This story is dedicated to @XyraAnneCacaldaAbadi ♥