Chapter 6

146 12 29
                                    

Ayo! May tanong ako... Sa tingin niyo, sino ang pipiliin ni Vrent sa huli? Si Xyra o si Renna?


Alam kong kasisimula pa lang ng story pero gusto ko lang malaman yung kung sino sa tingin niyo at kung sinong bet nyo. Hahahahahaha. With explanation please lol.





- C h a p t e r   6 -



"Gosh Renna! Bakit di ka pa natutulog? You need beauty rest, sis!" bungad ng nakatatandang kapatid ni Renna sa kanya na si Richee pagkapasok nito sa kwarto ng dalaga.



Blue, pink, white and violet. Ito ang nangingibabaw na kulay na bumabalot sa kwarto ng dalaga. Ito kasi ang mga paborito nyang kulay.



"Oy Ate! Naku, kapag nagpuyat ka nyan, magkaka-pimples ka! Ang pangit kaya kapag may pimples ka tapos nakakahiya pa sa makakasayaw mo bukas!" dagdag pa ng nakababata nyang kapatid na si Rainie. Nagkibit-balikat lang ang dalaga habang naglalaro ng Chain Reaction sa cellphone niya. Pang-2 player pero sya pareho ang tumitira,


"Teka, masyado namang gloomy 'yang aura mo. Tell me, may problema ba?" tumingin lang si Renna sa Ate nya ng ilang segundo ska sya sumagot, "Ate, ka-partner na naman ni Xyra si Vrent. Tapos binigyan pa sya ng bracelet ni Vrent. Ewan ko ba pero naiinis ako." nagugulumihang wika ni Renna.









"Hindi ka lang naiinis, nagseselos ka." bigla namang singit ng kuya nyang si Ralph, na mas gustong tawagin sya sa Korean name nya na Ryu Seong.



"Lagi niyo naman nang sinasabing nagseselos lang ako. Ano ba, naiinis lang talaga ako, yun lang!" deny pa ng dalaga dahilan para mapailing ang mga kapatid niya.



"Ang eng-eng mo naman, ate! Deny-deny ka pa dyan." pagmamataray sa kanya ni Rainie, "Ang arte mo!" dagdag pa nito.



"I'm not maarte!" depensa ng dalaga, "Nakakayamot lang kasi kayo, bakit naman ako magseselos ha?" tinignan nya ang mga kapatid na tinaasan lang sya ng kilay. "I'm not jealous nga kasi."  napa-pout lang siya.



"Kuritin ko yang tinggil mo, eh!" pananakot sa kanya ng Ate Richee nya. "Lagi ka namang ganyan eh, aminin mo na kasi sa sarili mo. Nagseselos ka. Ano bang masama dun? Jusme."



 

"Ang Ate ko~ Ayieee~ Nagseselos sya kina Vrent at Xyra!" pangangantyaw naman ni Rainie. "Wala ka ng pag-asa, ang slow mo kasi." dagdag pa ng tahimik na nakababata niyang kapatid na lalaki na si Rhylle.

Choose Me, VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon