C h a p t e r 1 3
Vaughn's POV
There, nasabi ko na. At alam kong masasaktan siya.
Sa totoo lang, matagal ko ng alam na may gusto sa akin si Renna. Sadyang may isa't kalahating shunga siya kasi todo deny pa sa mga kaibigan namin gayong halatang-halata naman.
Hindi tulad ng iba na kapag nalaman nilang may gusto ang sarili nilang kaibigan sa kanila, lalayuan na nila ito. Hindi ako ganoon. In fact kahit na natuklasan ko iyon, I still treat her as my girl best friend na parang hindi ko alam na may gusto siya sa akin. Hindi sa paasa ako pero, pero ayaw kong masira ang friendship namin.
I know Renna since we were little. At alam ko ding malakas siyang babae, matalino, at matapang. Ayaw kong magsinungaling sa kanya for she's one of the most special woman in my life. Ipinagtapat ko sa kanya ang feelings ko for Xyra and I know na masasaktan siya. Pero matapang nga siya di ba? Kaya alam kong makaka-move on agad siya sa akin. Oo, tama. Tama.
For me, this is the most accurate thing to do. Ayaw kong ipadama sa kanya na wala akong ibang nararamdaman sa kanya, romanticallly, in a rude way. Kaya diretsuhan na lang. Tama naman ang point ko di ba?
Alam kong masasaktan siya, but at least I prevented our friendship from sinking, right? Uy English grammaring! Sinking. Hehe, parang barko lang. Kaya nga ship di ba? Engot din ako minsan eh. Minsan lang naman. Promise, minsan lang. Hehehe.
Yun nga, mas maganda na siguro yung ginawa kong iyon. Kaysa naman nasaktan na nga siya, nawala pa siya sa akin. Hindi ako makakapayag.
Teka, improving ba ang pagi-English ko? Thanks sa teacher ko sa English. She is really the best! Ay! She really is the best pala yata? Ay ewan!
- - -
Chiene's POV
It's been two days mula nung birthday ni Xyra. At dalawang araw na ding lutang 'tong si Renna.
Paano ba naman, sinabi na sa kanya ni Vrent na liligawan na niya si Xyra. Tapos nung nakauwi na kami, iyak-tawa pa siya nun. Sa kanila kasi ako nakitulog. Masaya daw siya para kina Xyra at Vrent, pero masakit daw. Eng-eng din eh.
Buang kasi. Ewan ko dito. De-deny-deny pa iiyak din naman. Arte. Psh.
"Renna, tawag ka ni Ma'am," tawag-pansin ko sa kanya.
Nabigla naman siya at dagling tumayo, "Ha? Yes, Ma'am?"
Napatawa naman kami nina Kaydee, Ivee, Minah, Kristelle at Anathea. Lutang nga ang babae.
"Shunga ka, Renna. Yes Ma'am, yes Ma'am ka diyan eh wala namang klase. Nasa ilalim tayo ng puno ng santol. Lunch na gaga, lutang ka pa din!" ika ni Kristelle. At doon pa lang natauhan si Renna.
"Pakyu," maangas na sagot ng dalagang lutang. Wow, nagmura.
Tahimik lang siyang bumalik sa pagkakaupo at inilabas ang mga lunch box niya.
Hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo, kundi apat! Gan'to ba kapag broken hearted?
"Manay, salamat at pinagdala mo kami ng pagkain. That's so sweet of you!" tuwang-tuwang sabi ni Kaydee.

BINABASA MO ANG
Choose Me, V
Hayran Kurgu"I might sound selfish and desperate but whatever it takes, I'll do anything that I can do just to make you love me... Just to make you choose me. Please. Choose me, V." - - - This story is dedicated to @XyraAnneCacaldaAbadi ♥