Ang tagal ko ding nawala ah... Pasensya na, nagkaroon lang ng family problem.
---------------------------------------
Chapter 11
Masayang naglalakad si Xyra sa school grounds mag-isa. Vacant nila ngayon kaya sya nakalabas.
Feel na feel nya ang mga titig sa kanya ng mga schoolmates nila kaya napapa-'Shete, eym zo priteey!' na lamang siya.
Umupo siya sa isang bakanteng bench na nakita nya. Nasa may harap na pala sya ng building ng Mathematics Department kung saan nakita nya ang isang medium-sized na tarpaulin ng mga Officers ng Math Club.
President: Renna Park
"Ang talino mo talaga, Renna. Ang sarap dukutin ng utak mo," wika ni Xyra. Bilib talaga sya sa talino ng sarili niyang bestfriend.
Maya-maya lang din ay may napakinig siyang naiyak.
"Huhuhuhu! *huk* Ang sakit-sakit, sobra!" sabi ng isang babae.
Pinagmasdan siya ni Xyra, ma-appeal yung babae kasi sexy pero di naman ganoong kagandahan.
"Say, bakit ka naiyak 'te?" tanong niya dito pagkalapit niya.
"Ahhh, Xyra ikaw pala yan..." (Wow, kilala nya ako!) Hmm, wala lang 'to. Brokenhearted lang. Hahaha!"
"Iiyak-iyak ka dyan tapos wala lang? Engot ka 'te?" pambabara niya.
Lalo namang napaiyak ang babae kaya nagulat at di mapakali si Xyra, "Oy, ano ka ba? Joke lang yun! Uy, sorry!"
"Sana nga wala lang 'to pero hindi eh... Ang sakit kasing malaman na hanggang sa pagkakaibigan lang kami ng best friend ko. Changgala kasi siya pa ang minahal ko, pucha!" medyo nagulat naman si Xyra dahil mura ng mura yung babae.
"Ginawa ko naman ang lahat para mapansin niya ako, kulang na lang ipagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya pero.bakit ganun? Wala pa din... At dun pa sya sa babaeng kano na maarte pumunta! Huhuhuhuhu! Ang sakit talaga!"
Napailing naman si Xyra, "Minahal mo kasi yung taong hindi para sayo..." hinagod-hagod nya pa yung likod ng babae.
"Tsaka bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa kanya? Sardinas ka ba?" napatingin naman sa kanya ang babaeng naiyak. Medyo tumaas pa ang kilay nito.
"Sardinas ka ba? Di ba hipon ka? Hehehe! Joke lang."
Medyo napatawa naman yung babae. "Ay, Roanne nga pala." pagpapakilala nito.
"Alam mo Roanne, parehas lang tayo eh. Minahal natin yung best friend natin tapos gagawin natin ang lahat para mapansin nila tayo. Well, in my case napapansin naman niya ako kaso..." napahinto saglit si Xyra.
"... Kaso nalaman ko na yung isa ko pa palang best friend, may feelings din para sa bestfriend namin. Ang gulo, right?"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Think about it twice!~ Ooh ahh ooh ahh~" pagkanta nina Jacky, Pearl at Sherly habang sumasayaw sa kalagitnaan ng ground. Wapakels kung pinagtitinginan na sila ng mga estudyante.
"Konting hiya naman sa inyong tatlo!" suway ni Kaydee sa tatlong bakla.
"Anuvey, ngayon na nga lang kami makakapagpractice ng sasayawin namin sa birthday ni Xyra eh... Duh, we don't have enough time para makapagpractice pa, sa isang araw na yun eh!"

BINABASA MO ANG
Choose Me, V
Fanfiction"I might sound selfish and desperate but whatever it takes, I'll do anything that I can do just to make you love me... Just to make you choose me. Please. Choose me, V." - - - This story is dedicated to @XyraAnneCacaldaAbadi ♥