Chapter 5

213K 5.5K 306
                                    

Sa unang araw ni Moira ay tinuruan siya ni Rose kung anu-ano ang mga dapat niyang gawin, kung alin ang dapat na priority at kung paano mapunta sa good side ni Vince.

"Maaga siyang pumapasok, kaya dapat mas maaga ka. If he has a meeting at seven in the morning, dapat before that, nandito ka na. He doesn't require you to attend every meeting with him, yun lang mga importante, pero maa-appreciate nya kung dadaluhan mo lahat. During conference calls, you're required to listen and take notes, kasi tatanungin ka nya later."

Nagkakandaugaga na siya sa pagsusulat ng notes ni Rose habang inaayos naman ng IT ang gagamitin niyang laptop.

"Huwag kang papetiks-petiks sa trabaho. If he calls you at an ungodly hour, asking you to do something for him, then do it immediately. If you're fast asleep, then wakeup. If you're in the middle of having sex, then pause for a while. Basta, prioritize his calls. Usually naman, urgent stuff lang kapag overseas sya, so ipaaayos na rin natin yung OWA access mo sa company phone na darating mamaya. You have to keep that phone close to you at all times, okay?"

She nodded.

"Hmm, what else? Ah, usually umaalis sya ng bansa mga once or twice a month. Yung for this month, naayos ko na. You just need to constantly remind him of his sked kasi sobrang dami noon. Although matinandain naman siya, okay na yung pulido at in-sync ang planner nyo. He also doesn't take no for an answer, so kapag sinabi ng other party na hindi sila available, huwag mong sukuan. Hanapan mo ng sked. Mangulit ka nang mangulit.

"And lastly, girl, maghanap ka naman ng matinong outfit. If you can't style yourself, then Vico can help. You look like an eyesore. Vince won't tell you this kasi may respeto sya sa personal choices ng mga employees nya, pero for sure nababaduyan na yun sa 'yo. You better dress up, kasi yung image mo, magri-resonate sa image ng boss mo. Kung drabby ka, parang nahahatak mo na rin ang image nya."

Napatingin siya sa suot. She doesn't usually dress like that. Pero nadala na siya sa mga una niyang trabaho. Kaya imbes na magpaganda, hindi na siya nag-aayos. Yung mga lumang damit na rin ng mommy niya ang isinusuot niya sa trabaho.

Pero siguro nga ay kailangan niyang ayusin ang sarili.

"Pahabol. He usually skips his meals kasi sobrang workaholic nya. Paalalahanan mo syang kumain palagi. If you have a spare snack, give him some. Kapag lunch time at nakita mong wala syang balak tumayo, mag-volunteer ka nang ibili sya ng pagkain."

"Kasama ba talaga yun sa trabaho ko?"

"Hindi naman," Rose replied curtly. Mukhang minasama nito ang tanong nya. "But he's a great employer. He will take care of you and your job, kahit wala rin sa description ng trabaho nya ang mag-care sa mga empleyado. So do the same for him."

"Okay."

Sa buong maghapon ay nandoon siya sa cubicle ni Rose, nagti-train at nagti-take notes. Hindi na rin naman pala masama dahil wala pa yatang tatlong beses niyang nakita si Vince sa buong maghapon. She can live with that, as long as mananatiling minimal interaction lamang ang mamamagitan sa kanila.

Sabay na silang uuuwi ni Rose ng bandang alas sais. Pero bago umalis ay sinabihan siya nitong magpaalam kay Vince.

"Just let him know na aalis ka na. Ask him first kung may kailangan pa sya. Kapag meron, then stay. Kung wala naman, then you're free to go."

Ibinaba muna niya ang bag, saka siya kumatok sa office nito. Then she took a peek. Mukhang subsob pa rin ito sa trabaho.

"Sir?"

Tumunghay ito.

"Yes?"

"Do you still need anything?"

The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon