Maagang pumasok si Vince ng Monday. Hindi siya sigurado kung babalik pa nga si Moira. Ang tanging pinanghahawakan na lamang niya ay ang sinabi nitong babalik ito ng Lunes. He has a meeting before lunch, tapos may quarterly assembly sa hapon. Dahil wala si Moira, siya ang trumabaho noon. He needs to present something, so ilang araw siyang puyat sa paggagawa ng reports.
Nang mag-alas otso na at wala pa rin si Moira ay tumawag siya sa guard na nasa lobby. He asked if Moira's logged in already.
"Moira, sir? A, si ma'am Carlene po? Nako, e wala pa ho."
Bumuntong-hininga siya. "Pakisabi na lang po, kapag dumating sya, na dumiretso sa office ko pagka-log in nya."
"Sige, sir."
"Thanks."
Pagkatapos ng tawag, pinagdaop niya ang mga palad at saka naghintay.
--
"Sure ka na bang gusto mong bumalik?" tanong ni Neri kay Moira.
Napahinto siya sa paglalagay ng makeup. Tiningnan niya ang pinsan mula sa salamin. Nakaupo ito sa kama niya. May folding table doon na kinalalagyan ng laptop nito. Online worker kasi ang pinsan niya. Hindi ito pinapayagang magtrabaho ng boyfriend nito sa malalayong lugar, lalo na't buntis ito.
Kanina pa nakasunod ang tingin nito sa kanya. Hindi naman ito nagsasalita kanina, pinanunuod lamang ang bawat galaw niya. But she knows that Neri doesn't approve of her decisions. Hindi pa nito nami-meet si Vince, but her stories already painted him as the bad guy.
"Kailangan kasi," sagot niya. Sa ilang araw na pamamalagi niya sa bahay, na-realize niya na naging mabait naman talaga si Vince sa kanya. Hindi naman siya nito pinaasa. He gave her work, with a huge salary dahil alam nitong temporary lang iyon. But their past made it complicated. It made her despise Vince.
Alam na niya ngayon kung gaano iyon na-unfair para rito.
"Pwede ka namang maghanap ng ibang trabaho, di ba?"
"Na ganoon kalaki ang sweldo? At may guarantee na safe ang work place? Yung walang mangmomolestya sa 'kin?"
Bumuntong-hininga ito. "E, ikaw naman kasi. Pwede ka namang magreklamo pero hindi mo ginagawa."
"You know why." She put on her lipstick and continued, "Ayokong gumawa ng ingay. Kapag nakarating 'to kina mama, sisisihin na naman nila ako."
Simula nang mapagdesisyunan niyang umuwi ng Pilipinas para mag-aral, naging malamig na ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang niya. Pati ate niya, lalong lumayo ang loob sa kanya. Sinubukan naman niyang pakisamahan ang mga ito sa loob ng isang tao, kaso ay mahirap talaga.
It's one of those cases na kinu-consider niyang unfortunate ang sarili dahil sa hindi napipili ang kamag-anak at pamilya.
"Online jobs kaya? Malaki rin naman ang kita rito, e."
"Alam mong nabu-bore ako sa ganyan."
"Ang dami mong dahilan. Feeling ko tuloy, hindi ka pa nakamu-move on."
Nginitian niya ito. "Hindi ako nagdadahilan. Saka isang buwan na lang naman, tapos na ang kontrata ko."
She checked herself in the mirror. She hates to admit that Neri might be right. Baka nga hindi pa rin siya nakamu-move on. Hindi naging kumpleto ang ilang araw niya nang hindi niya nakita si Vince. It also broke her heart that he fired her, pero nang tumawag ito, nawala na lang bigla ang galit niya.
Alam niyang late na siyang pumasok. It's already 9:30 when she arrived. Pagkapasok na pagkapasok niya ng office ay agad siyang sinabihan ng guard na nakabantay na dumiretso sa office ni Vince pagkalog-in. Ang akala niya ay pagagalitan siya nito dahil late siya, pero nang pumasok siya sa office nito ay bahagya itong nagulat.
BINABASA MO ANG
The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)
Genel KurguKyle Vincent Villacruz's story.