Umuwi si Moira na hulog ang balikat. It's been three days already, pero lahat ng pinuntahan niyang kumpanya ay either walang vacancy o nakuha na kaagad ang trabaho. Nagpasa rin sya ng resumé online, pero walang tumatawag sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Noong nag-check naman siya, may mga vacant naman. Pero kapag nagpupunta na siya sa office for an interview, walang tumatanggap sa kanya.
"O? Ano'ng nangyari?" tanong ni Neri sa kanya. May hawak-hawak na naman itong Yakult. Vince brought a few packs last Sunday. Pati pinsan niya, ini-spoil nito.
"Ayun, wala," malamya niyang tanong.
"Don't worry. Three days ka pa lang naghahanap. Iyong iba nga dyan, buwan ang binibilang bago makahanap ng bagong trabaho e."
"Alam ko naman 'yon e. Kaso parang hindi sila interesado sa 'kin. As in, hindi pa man ako nai-interview, ramdam ko na kaagad na rejected ako. May mali ba sa 'kin?"
"Maybe your clothes?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Tumatanda ka sa suot mo."
She looked down on her clothes. Balik na naman kasi siya sa pagka-manang. She wanted them to focus on her qualifications rather than her looks. Saka hindi naman ganoon kaluma ang suot niya. Ternong gray plaid suit iyon at may panloob siyang blouse na kulay plum.
Red kept on calling her for the past few days, asking if she would consider the job. Tinaasan pa nito ang offer sa kanya. But she's not giving up just yet. So she asked for a few more days before she could decide.
Meanwhile, Vince had been busy being a perfect dad to Kelvin. Punong-puno na ang kwarto nito ng mga bagong laruan at damit. Gabi-gabi itong dumadalaw sa bahay nila para doon maghapunan. He would only leave once Kelvin is sleeping.
He's also being nice to Neri. Palagi itong may dalang pagkain para sa pinsan niya. And he also promised Joem that he'll find clients for him. Those were his ways of thanking the two for helping her raise Kelvin.
At ano naman ang para sa kanya? Nothing. It's not as if she's asking for anything, but she was just feeling a little bit left out. Nakadagdag pa tuloy iyon sa frustration niya sa paghahanap ng trabaho.
--
"Russell just called," bungad ni Rose kay Vince. Nakasilip ito sa awang ng pintuan ng opisina niya. "My friend, Russell, from KA."
"Russell na head ng HR?"
Rose nodded. "Moira was just there earlier. And as you instructed, they shooed her away."
"Good," he said. He looked back on the contract he was reading.
"Hindi ka ba naaawa dun sa tao? Araw-araw na lang syang naghahanap ng trabaho, and she's always being rejected."
Tumunghay siya. Nasa loob na ng office niya si Rose. Nakapamay-awang na naman ito. Noong Lunes pa siya nito pinagagalitan dahil sa pagpapahirap niya kay Moira.
"She needs to realize that there's no better job than what this company has to offer."
"But there are other ways to do that."
He knows that. He could simply ask. But he doesn't want to appear like he wants her there, kahit gusto niya. Tingin niya ay lalo nitong aayawan ang trabaho kapag siya ang nakiusap.
--
Friday. Moira dressed sharply, determined to get the job she will apply for in a few minutes. Isinuot niya iyong dress na binili ni Vince para sa kanya. She paired it with her black louboutins and put on a little makeup.
When Kelvin saw her, he immediately thought that she was going out with Vince.
"I have a job interview,"paliwanag niya sa anak.
BINABASA MO ANG
The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)
General FictionKyle Vincent Villacruz's story.