"I thought that it would cheer him up."
Mabuti na lamang at kumain kanina si Kelvin during their dinner. Kung hindi ay pamihadong mahihirapan na naman si Moira na kumbinsihin itong lumabas man lang ng kwarto. She thought that her son would love the news. Official na sila ni Vince. And she didn't say that just because she wants her son to cheer up. She loves Vince. She knew that her decision would make them both happy.
Halata naman sa mukha nito. Kanina pa hindi matanggal ang ngiti nito sa labi.
"I know," he agreed. "But it cheered me up."
She wrinkled her nose. Nasa kusina sila, just hanging out. Ang katulong naman ay nanunuod sa sala. Mukhang nakatulog na si Kelvin dahil hindi na ito lumabas ng kwarto nito mula kanina.
Simula nang sagutin niya si Vince ay hindi na ito lumayo sa kanya.
"What are you doing?" she asked nang unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya.
"I'm going to kiss you. You can't say no. Girlfriend na kita."
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Kaya ba hindi ka makapag-hintay na sagutin kita? Just so you could kiss me?"
Vince shrugged. "Yes. And then some..."
Hinapit sya nito sa bewang at akmang hahalikan nang harangin niya ng kamay ang bibig nito.
"Nakapanuod si yaya," sabi niya.
Tumingin ito sa katulong na abala sa panunuod sa kanila. Mukhang kilig na kilig ito sa eksena.
"Yaya, matulog ka na," sabi nito sa katulong.
"Ay, ser, hindi pa tapos yung pinanunuod ko."
"Hindi ka naman nakatingin sa TV e."
Ngumuso ang katulong. "Heto na nga po. Sa TV na titingin."
Nang bumalik ito sa panunuod ng TV ay muli syang binalingan ni Vince.
"So..."
"So, let's sleep early. Maaga ka pa bukas, di ba?" sabi niya.
Vince would be in three sites tomorrow for three separate meetings, and he won't be home before 9pm. Kaya naman sinulit na talaga nito ang weekend na magkasama sila sa pangungulit na sagutin na niya ito.
"Why don't I sleep next to you? Hindi ba hindi ka sanay nang walang katabing matulog?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Kasasagot ko pa lang sa 'yo tapos ganyan agad?"
He gave her a grin that reminded her so much of Kelvin.
"Relax. I'm not saying that we sleep together—although that could be arranged—but I noticed that you find it hard to sleep at night. Madalas kitang makitang umiinom ng gatas kapag bandang alas dose na."
"Sanay kasi akong katabi si Neri or Kelvin pagtulog. E simula noong tumira kami rito, ayaw nya nang magpatabi sa pagtulog. He said that he's a big boy already."
"O, tamang-tama. I don't mind na may katabi."
She made a face. "I don't trust you."
"Trust my word," seryoso nitong sabi. "I just want you to get a good night's sleep kasi parang araw-araw kang puyat."
It's true. Madalas siyang makatulog ng madaling-araw na. It takes a while for sleep to come by. May mga araw na pagod na pagod siya kaya siya nakakatulog ng maaga. Kaya minsan ay sinasadya niyang pagurin ang sarili para makatulog siya agad.
"All right," pagpayag niya.
Ngiting-ngiti ang katulong nang makita silang magkahawak ang kamay na paakyat sa second floor. Akala yata nito ay may kung anong mangyayari ng gabing iyon. She really hopes that nothing will happen except for sleep. Kahit pa sabihing nagawa na nila iyon ng ilang beses and it won't seem hasty because it would just be like they're making up for the lost time, iba pa rin ang dating sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)
General FictionKyle Vincent Villacruz's story.