Chapter 39

151K 4.8K 595
                                    

Ten million pesos.

She gave up on Vince for ten million pesos. Ganoon na ba kababaw ang pagmamahal niya kay Vince? Siguro nga. But she couldn't accept the fact that he didn't tell her. His father told her that Vince agreed to marry this French woman. Marion Isabelle Deneuve. Even the name screams rich. French actress ito. Humanitarian. UNICEF ambassador. Kabi-kabila ang charity organizations na sinusuportahan. French ambassador sa Pilipinas ang ama nito at ang ina namam ay former actress sa France. Philanthropist ang buong pamilya ng Deneuve.

Nakakapanliit ng pagkatao.

It hurt more when she asked Rose about it at hindi nito iyon itinanggi. She told her na totoong pupuntahan ni Vince si Marion sa Paris. Parte raw kasi nang expansion ng business sa Europe ang pagpapakasal ni Vince dito. She left without anither word, with the check in hand. Hindi na niya pinakinggan ang sunod nitong sasabihin.

Dumiretso siya sa school ni Kelvin para sunduin ito. Pag-uwi sa bahay ay agad siyang nag-empake. Natataranta ang katulong sa kanya dahil iyak siya nang iyak. At nang sabihin nitong tatawagan nito si Vince ay bigla niya itong nasigawan. Kelvin mutely followed her orders. Natakot yata ito sa kanya.

She didn't tell anyone about it. Kahit kay Neri ay hindi niya ipinaalam. Malapit na kasi itong manganak. Ayaw na niya itong bigyan ng problema. Maybe Vince knows by now kung ano'ng nangyari. Rose will surely tell him. Babalik din kaya ito agad?

She shook her head. No. He won't come back the same. He'd push through with the engagement. Hindi nga ba't pumayag na ito sa gusto ng ama nito? When he gets home, hindi na sila nito maaabutan. Magpapakalayo-layo na sila. She's been right all along. This fairy tale has to end. Today, the other shoe fell. An expensive shoe at that.

Mabuti na rin siguro iyon. She could live another life away from him. Kelvin might hate her for it though. Saan naman kaya sila pupunta? They could go to the states, back to her parents, pero hindi niya sigurado kung tatanggapin pa rin siya ng mga ito. Ilang taon na rin ang nakalipas mula noon huli nilang pag-uusap.

"Mommy, where are going?"

"I don't know," she answered, wiping her tears away.

"Does dad know that we're leaving? Shouldn't we call him first?"

"Huwag nang maraming tanong, pwede?!"

Nagulat ito sa pagsigaw niya.

"I'm sorry, baby. Jusy stop asking. Please."

Kelvin wanted to go to Disneyland for his birthday. She could take him there. Doon na rin sila magpapasko. They don't have to go back to her parents anyway. Kaya lamang ay ayaw naman niyang gumastos ng malaki. Kahit sampung milyon pa ang perang hawak niya, hindi rin iyon magtatagal. She could start a business somewhere else, but where? At paano ang pag-aaral ni Kelvin?

Dala ang kakaunting gamit ay pumunta silang mag-ina sa bangkong sinabi ni Vic para ideposito ang pera. Mabilis ang pag-asikaso ng isang teller sa kanya, na para bang inaasahan na siya nito.

She was given a new ATM card. It was different from the usual cards. The teller told her that the money was already deposited in her account, pero hindi visible yung total sum kapag ichi-check. And she couldn't encash everything. May limit pa rin ang pwedeng i-withdraw per transaction.

Hindi na niya naintindihan ang iba pa nitong sinabi. Nagmamadali kasi siya. Gusto na niyang umalis. She wanted to start a new life somewhere far.

--

Moira found solace in Davao. May college friend kasi siyang nakausap at pumayag itong patirahin muna siya sa resort nito habang pinag-iisipan niya kung ano ang susunod niyang gagawin. Patay ang phone niya all week. There's no way that Vince can contact her. Nag-withdraw siya ng kaunting pera para may maipanggastos dahil nahihiya naman siya kung iaasa niya sa kaibigan ang lahat.

The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon