As expected, si Kelvin na naman ang pinakang natutuwa sa sitwasyon nila. He was the most excited, kaya nang sumunod na linggo ay nagyaya na itong maglipat. Recognition day nito ng Biyernes. Si Vince ang kasama nitong umakyat sa stage. Siya naman ang naging taga-picture. Pareho silang nag-half day kaya naging suspicious si Red. Mabuti na lamang at nandoon si Rose para pagtakpan sila.
Halos lahat ng kakilala niyang magulang ay nagulat dahil kay Vince. Kahit ang homeroom teacher ni Kelvin ay hindi rin makapaniwala. Kelvin looked the proudest. Mukhang mas natuwa pa itong nandoon si Vince kaysa sa honor na natanggap nito.
Kinabukasan, araw ng Sabado, ay niyaya naman nito ang dalawa nitong kaklase sa bahay para ipakita ang kwarto nito. Maghapon ang mga bata doon, naglalaro ng computer games, kumakain at naglangoy pa sa pool.
"I've never heard him talk in Tagalog, this much, before," Vince told her.
She was baking cookies for Kelvin's friends to take home when Vince went in. Nakikilangoy rin kasi ito kanina sa tatlong bata.
"Well, he tries. Pero usually, tahimik lang sya sa school. He rarely talks because he finds it hard to talk in Tagalog. Narinig mo naman siguro syang makipag-usap sa friends nya. Conyo pa rin. Kaya sa bahay lang sya madalas dumaldal."
"Ano kaya kung ilipat na lang natin sya sa private school?"
"Mahal."
"Moira, you know money's not the issue."
"Sa 'yo, pero iba sa 'kin."
"Then let me handle all the expenses."
She shook her head. "I can't let you do that."
"Why not?" kunot-noo nitong tanong. "It's my right as a parent to provide for my child."
"And I'm not taking it away from you. I just don't think that what you're suggesting is necessary. Okay naman na si Kelvin sa school nya."
"But you said he was being bullied," he pointed out.
"Hindi naman ganoon kalala."
"You told me that he was pushed down the stairs."
Bumuntong-hininga siya. "I already talked to the parents of the kid. Hindi naman pala sinasadya."
"Why are you making excuses?"
"I'm not. It's just-"
"Mommy, daddy, are you fighting?"
Natigilan silang dalawa nang marinig ang tanong. Nasa kusina na pala si Kelvin, balot ng tuwalya ang katawan.
"No, baby, we're just talking," sagot niya sa anak. "Do you need anything?"
"I want to check on the cookies. Can we eat them yet?"
"Hindi pa e. Those will be for later. Would you like some cupcakes instead?"
Kelvin shrugged. Siya naman ay kinuha ang isang kahon ng cupcakes mula sa refrigerator saka iyon ibinigay sa anak.
"Can we have some juice, too?"
She nodded and took out a pitcher of orange juice from the fridge.
"Ako na ang magdadala," presinta ni Vince, saka ito sumunod kay Kelvin palabas ng bahay.
And that ended their conversation. Hindi naman sa ayaw niyang ilipat ng school si Kelvin. Kaya lamang ay baka mahirapan itong mag-adjust. She knew that Vince only wants what's best for him, but so does she. Sana lamang ay magkasundo man lang sila. If not, then they could let Kelvin decide.
BINABASA MO ANG
The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)
General FictionKyle Vincent Villacruz's story.