Chapter 40

185K 4.7K 531
                                    

It's been a month since Moira and Kelvin left. She was already losing hope. Ilang beses na ba siyang natuksong i-charge ang phone sa pag-asang magmi-message o tatawag ito sa kanya? Hinahanap kaya siya nito? She has no way of knowing.

Kasal na kayo ito? The thought made her cringe in pain. Halos gabi-gabi na rin siyang umiiyak. Napakadali lang bumalik ng Maynila at puntahan si Vince. Natatakot lang siyang baka wala na siyang babalikan. Natatakot siyang ipagtabuyan nito palayo. At ang pinakakinatatakutan niya ay ang sabihin nitong hindi na siya nito kailangan. And that he will take Kelvin away...

Bumuntong-hininga siya. Natapos na naman ang isang araw ng trabaho. Maya-maya lamang ay darating na si Kelvin para sunduin siya. Tumingin siya sa salamin at inayos ang sarili. Akmang magbibihis na siya nang may kumatok sa pintuan ng staff room.

"Moira? Nandyan ka pa ba?"

Binuksan niya ang pintuan. "Magbibihis na sana ako e. Bakit?"

Her friend gave out a sigh of relief. "Buti naabutan kita! May last minute customer kasi tayo."

Kumunot ang noo niya. "Akala ko ba, closed na tayo?"

"Kaya nga. But we can't ignore this one. Big time e." Pinagdaop nito ang mga palad. "Pwede bang mag-over time ka ulit ng konting-konti lang? Please?"

"Chin, you don't have to beg. Okay lang sa 'kin."

Wala rin naman siyang gagawin pagdating sa cottage niya kundi ang magpahinga. Tapos maghahapunan lang sila ni Kelvin.

"Thank you! Nasa table 7 sya."

"Okay. Ako na ang bahala."

Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang restaurant. Wala nang katao-tao dahil sarado na sila. Nasa kusina lamang sina Chin, ang cook at yung isang staff na naghuhugas ng mga pinggan.

Tinungo niya ang table 7 na nasa kabilang dulo. Nasa sulok iyon, sa mismong ilalim ng LED TV. The man sitting on one chair has his back turned on her, pero kahit bulto yata nito ay kilala niya. Her heart instantly hammered against her chest. Halos mabali ang pen sa higpit ng hawak niya rito.

"V-Vince?"

Nang lapitan niya ito ay saka niya nakumpirmang si Vince nga iyon.

"Do you always address your customers using their first names?"

She was shocked by how cold his voice sounded, but she knew she deserved it. Siya itong tumanggap ng bribe para lumayo. Siya itong nagsinungaling. Siya itong inilayo ang anak nila nang walang paalam.

"I'm sorry, sir," mahina niyang sagot. "May I take your order?"

"Parang gusto ko ng sisig."

"May tatlo kaming klase ng sisig, sir."

"I wasn't asking."

She flushed in embarrassment. "I'm sorry."

She readied the pen and paper to take his orders. Pero parang sinasadya nitong tagalan ang pag-order. Sampung minuto na yata siyang nakatayo nang bigla itong bumuntong-hininga.

"I'm not really good at this."

She yelped in surprise when he suddenly pulled her. Napaupo siya sa kandungan nito. Bago pa sya makareklamo ay nahalikan na siya nito. She could feel the urgency and longing in his lips. Na para bang sabik na sabik ito sa kanya. And she found herself responding earnestly, because she misses him too.

"I missed you," he whispered.

"I missed you, too," naiiyak niyang sabi. "Akala ko kanina, galit ka."

The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon