"Pa'no ba 'yan? Nagtatanong na ang anak mo."
Vince glanced at Rose. Nakangisi pa rin ito. Simula nang makilala nito si Kelvin ay hindi na nawala ang ngiti nito.
"Stop smiling. You're creeping me out."
Tumawa ito. "Sorry. Your son's just so adorable."
That made him smile, his heart swelling with pride. He didn't know how that felt like, having his dad being proud of him. They don't really have that kind of relationship. Parang naging proud lamang ito sa kanya noong naging CEO na siya ng kumpanya.
Troy didn't think so. Kasi kahit ito, hindi maramdaman ang paghanga ng daddy nila. Para kay Troy, siya ang paborito ng ama. Pero hindi rin naman niya ramdam iyon. And now, he has a son of his own. And everything about him makes him proud.
"So, ano na ngayon? Will you marry her?" tanong ulit ni Rose.
Umiling siya. "I don't know yet. It's too soon to say."
"Jusko naman, Vince! Ilang taon pa ba ang kailangan mo to be sure? Ipaaalala ko na naman ba sa 'yong hindi ka na bumabata?"
"Ayaw ko namang magmadali. I might make a mistake and hurt them both."
"One way or another, masasaktan mo sila. Mas mabuting piliin mo 'yong option na may saya, kahit gaano kaunti o kaikli ang panahon na 'yon."
--
Moira wished that Kelvin could be more subtle, pero ganoon nga talaga kapag bata. Masyadong matanong, especially when it comes to things that don't make sense to them. They never really did answer his question. Hindi rin naman nila alam kung ano ang isasagot. Ayaw naman niyang pangunahan si Vince.
Masaya na siyang kinikilala nito ang anak nila at nagbibigay pa ito ng suporta. Asking him to marry her for Kelvin would be too much. Hindi na siya umaasa sa kasal.
They didn't speak about it for days. Tuwing ipapasok ni Kelvin iyon sa usapan, Vince would immediately divert the topic to anime. Recently kasi ay naging interesado ito sa mga hilig ni Kelvin. He said that he's turning one of the guest rooms into his room.
That made Kelvin excited.
So, every dinner, iyon agad ang pinag-uusapan nila para hindi na mapag-usapan ang kasal. Wala namang reklamo sina Neri dahil pareho lamang sila ng kalagayan. In a few months ay manganganak na ito. Hindi niya sigurado kung magpapakasal ang mga ito bago iyon mangyari. Joem's been asking for years already.
Maayos na rin ang naging trabaho niya. Vico already taught her how to make the coffee, but since Red's pregnant, si Vico ang umiinom noon hanggang sa maitama niya ang timpla.
"You should drink this from time to time para hindi mo makalimutan ang lasa at procedure. It will be a while bago sya uli makainom ng kape. If she wants caffeine, bilhan mo ng kendi na X.O. And don't let her drink even a sip of alcohol. Troy will get mad."
Troy, who she met again that day, looks a bit like Vince. Mas mababa lamang ito ng kaunti at palaging nakangiti. Vince was more reserved and serious. No wonder Troy was married first.
"Sumasakit na ba ang ulo mo sa asawa ko, Carlene?" nakangiti nitong tanong.
"Hindi pa naman," pabiro niyang sagot.
"Why are you here?" asked Vico. "Hindi ka busy?"
"I have some papers to sign," Troy answered. Then he held up his hand, "I know what you're thinking. Ipinadala ko na lang sana. But you know how much Red misses me. Basta may rason para pumunta ako rito, papupuntahin nya ako."
BINABASA MO ANG
The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)
General FictionKyle Vincent Villacruz's story.