Chapter 36

178K 4.7K 306
                                    

"Sana man lang isinama nyo 'ko," may halong tampong sabi ni Red kay Moira. Ikinwento kasi niya rito kung ano ang ginawa ni Rose during lunch break.

"Wala ka kasi kanina e. Saka biglaan lang 'yon. Napikon lang si Rose."

"At ikaw, hindi?" Red asked, baffled. "Ikaw na itong nilait-lait, kalmado ka pa rin? Bagay nga kayo ni Vince."

Natawa siya sa remark nito. "Sanay na kasi ako sa ganyan. Di ba nga, college pa lang, ang dami nang may ayaw sa 'kin for him? I'm kinda used to it."

"It doesn't mean that you have to put up with it." Bumuntong-hininga ito at saka ngumuso. "Sayang talaga. Sana may napagbuntunan ako ng inis ko kanina."

"Inis ka pa rin ba? Hindi ba't nagkita kayo ni Troy kaninang lunch?"

"He told me that his dad asked him to fetch Santina from the airport tomorrow."

"O? Ayos lang naman, di ba? Sasalubungin lang naman."

"Haynako. Wala akong tiwala kay Santina," sagot nito. "Sabi ko nga kay Troy, sa katulong na lang ipasundo ang bruha, pero ayaw nyang pumayag."

Mukhang alalang-alala ito sa pagsundo ni Troy kay Santina kinabukasan. At kapag may shift sa mood ni Red, alam niyang maaapektuhan siya.

"What if... si Vince na lang ang sumundo sa kanya?" she suggested.

Napamaang si Rose sa kanya. "Seryoso ka?"

Tumango siya at saka bumaling kay Red. "If it will lessen your worry, then it's all right. Naging buntis din naman ako. I know how stressful it is."

Dahil sa pag-volunteer niyang si Vince na lamang ang susundo kay Santina, Red's mood became significantly better. Hindi na kunot ang noo nito at mukhang magaan na rin ang pakiramdam nito. She was also at ease. May tiwala naman kasi siya kay Vince. He's different from Troy.

Plano sana niyang sabihin kay Vince ang ipinangako niya kay Red, but when he got home, he had another topic in mind. Magbubukas pa lamang siya ng topic nang magsalita ito kaagad.

"What happened earlier?" tanong nito pagkalapag na pagkalapag ng gamit.

"What do you mean?" she asked, confused.

Nilapitan siya nito at hinawakan sa tigkabilang balikat. "I heard about what happened from Rose. Are you alright?"

"Yeah, I am." She knew that it's bound to happen. Kapag naman talaga masaya ang isang tao, hindi nawawalan ng ibang naiinggit. Inihanda na niya ang sarili sa posibleng sasabihin ng ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Vince. It still hurts, though, but nothing she can't handle. Hindi na nga sana niya sasabihin kay Vince so he won't worry, but Rose already told him. Hindi naman niya masisi ang sekretarya at kaibigan nito. Rose only wants what's best for them.

"Kung may umaaway sa 'yo sa office, kahit nagpaparinig lang, sabihin mo sa 'kin, okay?"

"Para ano? Pagagalitan mo?" Umiling siya. "Huwag na. It will only make things worse."

"But they're bothering you."

"I'll be all right. Normal naman na yung may ganyan sa office."

He sighed. "Okay, if you say so. But if it gets out of hand—"

She nodded, cutting him off. "I'll tell you. Promise."

"Good." Naupo sila. "Now, what is it that you want to tell me?"

"Okay." Tumikhim siya. She doesn't know if he will be okay with her deciding things for him, pero para naman iyon kay Red. She hopes that he will understand. "I told Red na ikaw na lang ang susundo kay Santina bukas, instead of Troy."

The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon