Chapter 06

146 16 0
                                    

"Bitch, samahan mo ako," bungad sa akin ni Olivia nang magkita na kami sa hallway. Agad niya namang hinawakan ang braso ko at sumabay sa lakad ko. "I have a crush kase, member of the band and kakanta sila ngayon sa Excealas' Bar."

Agad naman akong napatingin sa relo ko. "Seriously, bar? For pete's sake, Olivia, it's still three in the afternoon."

"Mamayang 5 pa naman next class mo, right? Sige na, please. Isang oras lang tayo ro'n. Promise."

Pumayag ako sa gusto niya. Sumakay kami sa kotse niya at dumeretso sa sinabi niyang Bar. Pagdating namin doon ay nag-aayos na nga iyong bandang sinasabi niya. Tsk. Kung hindi lang supportive 'to sakin for Dee, hindi ko rin siya susuportahan sa crush niyang balak atang gawing rebound.

Umupo kami sa bakanteng table sa gilid at siya na ang nag-insist na mag-order ng inumin. "Juice lang naman, ano ka ba!" aniya nang samaan ko siya ng tingin.

"Sino ba kasi diyan 'yung crush mo?" tanong ko sa kanya.

"That vocalist. 'Yang nasa gitna," sabi niya. Tumingin naman ako roon, in fairness naman at gwapo... but I just don't like guys with long hairs.

"Do you know his name?"

"Gab? Not sure, I just heard someone's shouting his name. Then, nung sinundan ko 'yung tingin ng babae, I found him."

"Seriously, Olivia?"

She chuckled. "Love at first sight?"

I just rolled my eyes at her. Akala ko pa naman iyong naka-usap niya na. Hindi kasi pumapatol itong si Olivia nang hindi niya nakikilala. Kaya parang sobrang nakakapanibago talaga iyong ngayon dahil aside sa siya iyong nagfi-first move, hindi niya kilala!

"You know what, be careful naman sa mga nagiging crush mo. Hindi natin alam baka fboy pala 'yan, e."

She wrinkled her nose. "Well, I don't think so. Pass kung gano'n nga," sabi niya.

Maya-maya ay dumating na rin iyong order namin. Nagsimula na ring tumugtog iyong banda. Hindi ko naiwasang mapairap dahil Sa Ngalan Ng Pag-ibig by December Avenue iyong kinanta nila. I really love Dec Av pero wala akong balak makinig sa mga sad songs today!

"Pwede bang magrequest?" tanong ko.

"Pwede naman. Isulat mo lang sa papel tapos ibigay mo sa kanila," sagot ni Olivia.

"Tsk. Nevermind," sabi ko na lang. Gusto ko lang naman i-request 'yung song na Put Your Head On My Shoulder. Iyon kasi iyong song na pinatugtog nong Completer's Night namin. Nakaka-miss lang.

"Andrew, this is so wrong," agad akong napalingon sa katabi naming table nang marinig ko ang boses lalaki na iyon. Pagtingin ko, may apat na lalaking nakaupo at mukhang mga tatay na.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa harap but I can't keep my self from eavesdropping. "We're already adult, And. Stop being so pathetic here, may mga anak na tayo, oh," narinig ko pang saad ng isa.

Naramdaman ko naman na kinuhit ako ni Olivia. "Tsimosa?" bulong niya. Sinimangutan ko lang siya.

Nakinig na lang kami pareho sa crush niya hanggang sa napagdesisyunan na lang namin na bumalik na ng school dahil may klase pa ako. Hindi ko alam kung worth it ba itong pagpunta namin dito dahil itong si Olivia ay hindi man lang nagawang magpa-picture doon sa crush niya.

"Do you believe in first love never dies?" tanong ko kay Olivia habang nagda-drive siya pabalik ng school.

"Maybe. Pareho naman nating nakita iyong lalaki kanina. I bet you heard na may mga anak na sila."

Just by the Window (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon