"Why are you here, anyway?" tanong ko. "I want to be alone right now. O baka may yosi kang dala? Pahingi naman ako."
This is so bullshit. I don't really like what I am doing right now, to be honest. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Pinipilit ko namang manahimik na lang dahil ayaw ko na nang gulo pero mahirap talaga kapag puso mo na mismo iyong umiiyak. Laging naaalala ko kung paanong hindi ako pansinin ni Dee. He's the only one I want to be with right now, hindi ko maintindihan kung bakit siya pa rin ba iyong hinahanap ng mga mata ko when clearly he doesn't want to listen to me.
Napatingala ako. The sky is still blue. Gusto kong makakita ng stars ngayon. Kahit iyon man lang, iyon na lang... gusto ko ng kaibigan.
"Tori..." muling napatingin ako kay Chester. Pinunasan ko na naman iyong mga tanginang luha ko. Bakit ba ang dali nilang lumabas ngayon?
"Chester, please. I want to be alone right now."
He sighed. "Hindi kita pwedeng iwan."
Natawa ako. "Bakit naman hindi? Sino ka ba? Ano ba kita?"
"Ano bang nangyari talaga?"
"Bakit ba hindi ka pa rin umaalis?" iritadong sambit ko. "If you want to be my friend right now. Wala akong paki."
"Okay. Aalis na ako. Huwag kang gagawa ng masama sa sarili mo," he said, I rolled my eyes.
Hindi pa siya nakakalayo ay nakarinig na naman ako nang pagtawag sa pangalan ko. It was Olivia running towards my direction. Agad niya naman akong ni-yakap nang makalapit sa akin. "What the hell? Sinong may gawa sa'yo niyan?" tanong niya.
"Ikaw," sagot ko.
Kumunot ang noo niya. "Anong ako?"
"Kung sana nag-pakita ka kanina, hindi na sana ako nag-abalang hanapin 'yung phone ko sa bag para tawagan ka," masungit na sabi ko.
"Oh... okay. So, ano 'yung gulo? The council is actually looking for you."
"What?" takang tanong ko.
"Uh, yeah? But tell me first what happened? Bakit parang... Did you just cry?!" Her eyes widened. "Sinong nagpaiyak sa'yo?!"
I sighed. "Wala, hindi kami pasado sa defense," sabi ko na lang saka nagsimulang maglakad. Tinatawag na pala ako, e.
"You're lying. Tori, I'm worried. Ano ba talagang—oh, fudge."
Kumunot ang noo ko nang bigla siyang napahinto. Nilingon ko siya kaya naman nakita ko siyang naka-kunot din ang noo habang nakatingin sa phone niya. "What?"
She gave me a worried look. Lumapit ako sa kanya saka kinuha iyong phone niya. Pagtingin ko, it was a video of me. Napamura na lang ako. It was taken earlier!
I tried to click the profile but the account was joined just now. "What the actual fuck..."
"May kilala ka bang posibleng gumawa sa'yo nito? We can report this."
Umiling ako. Karen wasn't there. "Maraming tao 'yung nangyari 'yun. Wala na rin akong pakialam sa kung sino man 'yun."
Sinamahan ako ni Olivia na pumunta sa Dean's office. Pagdating namin, nandun na rin iyong babaeng sinabunutan ko kanina.
"Girl, wait lang kita sa labas, ah?" paalam sa akin ni Olivia bago ako tuluyang iniwan.
Tahimik lang ako na naupo sa harap ni Ms. Chocolate drink. Nagsimulang magsalita si Dean—like ako lang talaga iyong kinakausap niya. Nawala kasi sa isip ko na senior high school student pa pala iyong kinalaban ko.
BINABASA MO ANG
Just by the Window (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || Deandrew Evan Wong known as Dee is the ultimate crush of Tori Chen who happened to be a queen troublemaker. She made sure that at the end of the day ay makukuha niya rin ang loob ng ultimate crush niyang bilang sa kamay lang kung magsal...