Chapter 38

48 8 0
                                    

It's been a week since we have started to adjust in our new environment. Maraming nangyari sa isang linggong iyon. Madalas na rin naming nakakasama si Chester at isang beses ay dito siya natulog sa bahay. My mom went to Batangas to visit my Dad and she stayed there for three days. Dad reported that they're now okay—and Dad also told Mom that Dee and I are dating. Kaya ngayon ay nagpe-prepare kami ni Mommy sa pagdalaw ni Dee. Chester's here too!

"Mom, you celebrate like it's an engagement," I told mom. Ang dami niya kasing pagkaing inihanda. E, dadalaw lang naman iyong kapit-bahay namin?

Mom chuckled. "I just also want to celebrate our new beginnings," she said.

Magsa-salita na sana ako nang makita kong tumatawag si Dee sa phone ko. "I'm outside," aniya. Nagpaalam na muna ako kina Mommy na pagbu-buksan ko lang ang maarte kong boyfriend. Ni hindi man lang gumamit ng doorbell. Takot talaga siyang makaabala ng ibang tao. Pero pagdating sa'kin noon ay sobrang sama niya—iyong pair daw kami pero ako lang iyong gumagawa.

Mom greeted Dee like as if she didn't told me that she didn't like Dee. It's so good to realize that you don't have to force someone to change their decisions. Make them realize instead. I'm happy that mom's are getting okay now. Bumabawi na siya sa amin ni Daddy. Hindi naman namin siya hinahanapan ng kulang dati, we just find out that she wasn't that hundred percent genuinely happy with us; that she doesn't want to move forward. Ayaw niyang iwan ang nakaraan. Inamin niya mismo sa amin iyon ni Dad.

Chester lead the prayer for the first time. He thanked God for giving him the chance to meet his family and we are happy to meet him too. Minsan iniisip ko tuloy kung tadhana bang umuwi ako rito sa Maynila. That maybe God says that it's time... it's time to know who really I am. Ang daming nagbago sa akin mula nang bumalik ako rito. Medyo nabawas-bawasan din talaga iyong pagka-demonyita ko. God gave me a guardian angel and it was Deandrew. Kahit na wala naman siyang ginagawa or sinasabi pero kusa ko talagang iniiwasan iyong mga bagay na hindi ko dapat gagawin. I was so a freaking bad ass back then.

I missed my friends there in Davao too. Mukhang busy rin sila sa kani-kanilang life doon dahil hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap. Maybe after this, uuwi ako at isasama ko na si Dee and Chester. Baka maka-bingwit pa si Chester do'n.

"So... pwede bang ikwento niyo kung paano naging kayo?" mom asked, looking at Dee. Napatingin din tuloy ako dahil nakaka-tuwa talaga iyong itsura niya kapag nao-awkwardan siya. "E, 'di ba nga, childhood friends kayo? I mean, I'm just curious."

Dee smiled and look at me. "Victoria's kinda crazy for me."

Mom chuckled and I glared at Dee.

"What?" takang tanong pa ni Dee. "Totoo naman, diba?"

I scoffed. "Yea, alam mo ba Mommy inaway-away lang ako nito noon?" sabi ko naman kay Mommy.

"Well, there's nothing new about you back then. Lagi ka naman talagang may kaaway," sagot naman ni Mommy kaya nagsi-tawanan ang dalawa.

"Oo nga, Mama. 'Yung unang interaction ko nga sa kanya e puro irap lang nakuha ko," sambit pa ni Chester.

"Because you gave me a cigarette!"

"What?" takang tanong ni Dee. "Tinanggap mo?"

Chester laughed. Tumingin ako kay Mommy na nag-aabang din ng sagot. Binalik ko ang tingin kay Dee na naka-simangot sa akin.

"Ba't parang galit na galit ka pa? Hindi mo pa naman ako girlfriend nun!" sabi ko naman saka tumingin kay Mommy. "At saka Mommy isang beses lang 'yun, ah. Ang bad influence lang kasi talaga ni Chester."

Nakangiting umiling lang si Mommy saka sumubo ng pagkain. "E, paano ka ba niligawan ni Dee?"

Hindi agad ako naka-sagot dahil iyon na rin iyong kauna-unahang halik na may meaning sa tanang buhay ko. Uminom na lang muna ako ng tubig dahil medyo na-pressure ako sa tanong. Alangan naman sabihin kong hinalikan ako ni Dee tapos sinabi niya lang na manliligaw siya?

Just by the Window (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon