Chapter 32

52 12 0
                                    

"Ito, tubig," ani Chester saka inabot sa akin ang isang basong tubig.

I'm still shaking.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa sa'kin ni Logan iyon.

"Hindi talaga matawagan si Dee, Tori," sabi pa ni Chester. Bumaba ako ng building na tumatakbo't umiiyak. Tanong nang tanong sa'kin iyong guard kung anong nangyari pero hindi ko talagang maggawang magsalita. Mabuti na lang at naabutan ko pa si Chester.

Gustung-gusto ko na ring sabihin sa kanya iyong tungkol sa kanila ni Dee...

"Pambihira naman. Kung kailan pa may emergency saka pa nagka-problema," dagdag niya pa habang hindi pa rin sumusukong ma-contact si Dee. Huling message kasi ni Dee sa akin ay pupunta raw siyang China. It's urgent and it's about his family. Hindi ko agad nakita dahil iyon iyong oras na nasa condo pa ako ni Logan.

And Mary was there... I saw her.

Habang mamatay-matay akong kasi-sigaw ng saklolo, lumabas siya galing sa kitchen ni Logan. I was asking her help to open the door for me but she just stared at me, crossing her arms, blank face... and she looked mad at me. Nang marinig nilang bumukas iyong pinto, saka siya nagtagong muli.

Why would she be mad? Wala na siyang karapatan. They're already broke up when Dee started to date me! As far as I know, Drex told me that they broke up because she wanted to study abroad! Hindi ko na kasalanan kung iyon iyong naging choice niya. Kasi hindi naman lahat ng gusto mong hintayin ka, hihintayin ka. Dee is not a thing na hindi nagba-bago ang isip. A lot could happen in a year!

If only Deandrew told me about her...

I sighed. I looked at Chester. Nandito nga pala kami sa hideout nila. Hindi ko na rin naggawang pumalag dahil natutula talaga ko sa nangyari. Bakit ba lahat ng ito ay kailangan pang mangyari? I don't deserve this. I don't deserve this...

Kumunot iyong noo niya saka siya lumuhod sa harap ko para mapantayan ako. Nagulat na lang ako nang punasan niya iyong mga luha ko sa pisngi ko. "Shh. Wala man si boyfriend, nandito naman si kuya, okay?" he said, smiling. Mas lalo akong naiyak.

Sa sobrang pagod kaiiyak ay hindi ko na namalayang naka-tulog ako. Naggising na lang ako nang may pagkain na sa harap ko at may ibang tao na rin sa living room nila.

"Bakit mo ba dinala 'yan dito, gago ka ba?" narinig kong saad ng hindi pamilyar na boses.

"Paano kung mapahamak 'yan, Ches? Wala na akong balak makipag-sabak sa mga ganyang dahilan."

"Sorry, sorry. Emergency kasi. 'Tsaka 'di naman magsa-salita 'yang kapatid ko," narinig ko pang sagot ni Chester.

Kinain ko na lang iyong mga naka-handa sa harap ko. Gutom na gutom na rin ako dahil hindi pa ako kumakain since lunch. Kumakalam na iyong tiyan ko.

Maya-maya ay may narinig akong mga yapak. Nang ini-angat ko ang tingin ko, it was Chester. Umupo siya sa harap ko. "Pagkatapos mo diyan, hatid na kita sa inyo," aniya.

Tumango na lang ako saka tinuloy ang pag-kain.

"Feels okay na ba? Kaya mo na bang ikwento lahat?" tanong niya pa.

Huminto ako sa pag-kain. Mataman akong tumingin sa kanya. "Not really. But... I have to tell you something aside from that."

Just by the Window (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon