Chapter 30

60 10 0
                                    

"Just stay here na lang muna. I'll ask Dad once he'll return," sabi ko sa kanya. Palubog na rin kasi iyong araw. Hindi naman ako papayag na magma-maneho siya ng gabi pauwi.

"Magho-hotel na lang ako," sagot niya pa. Talaga namang umabsent pa siya ngayong araw para lang puntahan ako rito. Hindi na kakayanin ng konsensya ko kapag gumastos pa siya kung pwede namang dito na lang muna. Isang gabi lang naman.

"No," tugon ko pa. "At saka ano bang ikina-worried mo?"

Pabagsak siyang naupo sa sofa. He crossed his arms and took a deep breath. Ito namang si Dee, kahit hindi naman problema, pino-problema pa. "You're Dad might kill me."

Umawang iyong labi ko. "Ang OA! Okay naman tayo kay Dad." Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya iyong tungkol kay Chester. Iniisip ko kasi na baka alam niya na. Baka kasi ayaw niya lang marinig ulit kaya hindi niya sinasabi sa'kin kung anong problema niya. Knowing Dee, kapag ayaw niyang marinig, hindi niya talaga bibigyan ng chance pakinggan.

"Okay. Dito na lang ako sala," sagot niya.

Marahan akong lumapit sa kanya saka umupo sa lap niya. Pinalibot ko iyong braso ko sa leeg niya. Naramdaman ko namang hinawakan niya iyong bewang ko. "I miss you..." I said while combing his hair with my hands.

He kissed me. "I miss you more," tugon niya saka hinawakan iyong kamay kong kanina lang naka-suklay sa buhok niya. He checked my arms na may kalmot ni Karen. "I didn't know that Karen would do that."

"Baka naman kasi pinainom mo ng gayuma," I kid and he chuckled.

"Maybe you really annoyed her," he said, smirking.

Napairap ako. "Well, she's annoying as well," sagot ko naman. "Hindi mo ba napansin 'to nung nag-usap tayo?" I said, referring to my arm.

He shook his head.

Kung sa bagay, hindi naman kasi masyadong halata. Nadala lang siguro ako ng takot ko kaya muntik ko nang patayin si Karen. Pinakita kasi sa'kin ni Dee iyong video sa nangyari. May naaalala naman ako kaunti, hindi ko nga lang mahulaan kung ano ba iyong iniisip ko nung time na iyon. Masyado kasing papansin si Karen kaya she deserved it.

"Malapit na 'yung birthday mo," sambit ko.

"Not excited."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"I'm not a teenager anymore."

Hindi ko mapigilang matawa sa naging sagot niya. Kahit ako rin naman, e. Two months to April na lang. Hindi pa ako handang mag-20. I feel so old!

Napatigil naman ako sa pagtawa nang mapansin kong naka-ngiting naka-tingin lang sa akin si Dee. "I love your voice especially your laugh."

I rolled my eyes at him and stood up. "Duh? Why so corny?" pagi-inarte ko pa.

He chuckled. "Corny pero kinilig ka naman. Bakit ka tumayo? Balik ka nga dito."

Parang bata naman akong sumunod at muling umupo sa lap niya. I pouted upon seeing him smirked while looking at me. Hindi na ako nagsalita. Gusto ko lang magpa-cute sa harap niya habang wala pang nagdo-doorbell. Mahirap na at baka kung ano pang isipin ni Daddy kapag nahuli niya kaming ganito.

"What's your problem?" naka-ngiting nagta-taka niyang tanong habang iniipit iyong buhok ko sa tenga ko.

"Wala lang. Gusto ko lang magpa-cute. Picturan mo nga ako. Wala akong phone."

Kinuha niya naman iyong phone niya sa bulsa niya saka ako pinicturan. "Keaide," he utters and pinched my cheeks. "I'm going to upload it on my IG."

Just by the Window (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon