Chapter 36

51 9 0
                                    

Hindi ko alam kung paano pa ba ako haharap kay Dee pagkatapos kong malaman iyong dahilan kung bakit nasira iyong pangarap ni Dad kasabay ng pagkasira ng pamilya ko.

Nalaman ko na... nagkita pala si Mommy at Mr. Wong. Dee's mom saw them. Nagkaroon pa ng magulong eksena sa isang restaurant nun dahil sinampal at sinabunutan ng Mommy ni Dee si Mommy. Mabuti na nga lang at walang may kumalat na video sa internet dahil puro businessmen iyong nandoon sa restaurant na iyon, they won't probably waste their time recording some shit.

Hindi rin alam ni Dee na iyon na pala iyong araw na naisipan ng Mommy ni Dee na pabagsakin iyong kumpanya ng pamilya namin. My mom wasn't her target but my Dad—kasi alam niyang magagalit iyong pamilya ni Daddy kapag nagkataong nalamang siya ang dahilan kung bakit biglang nagka-gano'n. Dee's mom came from a rich family. Masyadong malakas iyong pamilya nila compare sa amin.

Nung nasa Davao ako, nalaman kong hindi raw lumalabas ng kuwarto si Mommy. Amha told me that maybe I could make her get out of her room dahil baka kung ano nang ginagawa niya sa loob ng kwarto niya since we all know that she's suffering from depression. Nagdesisyon akong umuwi. Naabutan ko pang nag-aaway si Mommy at Daddy. Siguro pinag-awayan nila iyong naging eksena sa restaurant, because as far as I could remember, narinig kong nagka-affair si Mom kaya nagalit talaga ako sa kanya noong una.

Pagkatapos nun. Laging umuuwing lasing si Dad. Paulit-ulit niyang sinasabing gago si Mommy. Paulit-ulit niyang sinasabing nasasaktan siya. He's so fucking wasted. Mabuti na lang at naisipan ni Amah na magstay sa bahay para naman may tutulong sa akin.

Napabayaan ni Dad iyong company. Napuno siya ng utang. Wala na siyang pagkukunan ng pera.

Natanggal lahat ng nagta-trabaho sa amin. Walang natira.

Naglayas si Daddy...

I can't blame Deandrew's Mom either. Kasi na-kuwento na sa akin ni Dee na laging umiiyak iyong Mommy niya—na naging dahilan kung bakit siya nagka-trauma... and made me also suffered in anxiety... it is because of Mom. She started all of these shits...

No. I should blame Mr. Wong for causing all of these. Kung alam ko lang, si Yuan lang naman ang iniisip ni Mommy. Deandrew's Dad is a total jerk.

"What the fuck, Tori," sabi ko sa sarili ko nang isang journal sheet na naman ang napunit ko dahil nagkamali na naman ako ng lagay ng number. I'm so fucking distracted!

Napa-tingin ako sa phone ko. There's a message notification and it was from Dee. Tinatanong niya ako kung kumusta ba ako. Well, obviously, I am not. Hindi ko kailangang sagutin dahil wala naman akong karapatang sabihing okay lang ako. It was my mom who ruined his family. Pakiramdam ko, deserve ng pamilya ko 'to.

Mag-iisang linggo na akong tulala. I just didn't expect all of these. Na kay Dee ko pa mismo malalaman. Iyong pinunta niya sa China ay dahil nalaman niyang si Mommy pala iyong laging pinag-aawayan ng mga magulang niya. He went to China just to confront his Dad dahil hindi niya matanggap na sa daming babae rito sa mundo, bakit iyong Mommy ko pa?

He tried to ignore me because he couldn't handle his anger. Baka raw may masabi pa siya sa akin na ikaka-sakit ko pa. Lumayo siya sa'kin dahil hindi niya kayang saktan ako. He was so sorry nung nalaman niya ang totoong nangyari sa amin ni Logan. Nadala lang talaga siya ng stress at galit sa pamilya ko kaya hindi niya na napigilan.

Naaawa ako sa sitwasyon ni Dee... ramdam na ramdam kong nawawala siya... kasi kahit ako, hindi ko na rin siya makita. Para kaming naligaw at hindi na namin mahanap iyong isa't isa.

Ipinatong ko iyong dalawa kong paa sa swivel chair ko. Niyakap ko ang mga binti ko at sinadal ko iyong ulo ko sa tuhod ko. Lintik namang buhay 'to. Sana sinunod ko na lang si Mommy nung sinabi niyang layuan ko si Dee. Kasi ang sakit sakit iyong ganito... Iyong pareho niyong kailangan ang isa't pero pareho rin kayong mas kailangan ng sarili niyong pamilya—pamilya na hindi mo malalaman kung magka-kasundo pa ba.

Just by the Window (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon