Chapter 07

155 15 0
                                    

Kasalukuyan kong ginagawa iyong business plan na mag-isa dito sa student lounge. Wala kasi ngayon si Olivia kaya wala rin akong magawa kundi ang gawing mapayapa ang letseng business plan na 'to. I don't really associate din kasi. Mas gugustuhin kong mapag-isa kaysa sa may kasama na hindi mo na alam kung ano bang pakay nila. I just want familiar people around me.

Ang swerte lang ng lintik na singkit na Dee na iyon dahil hindi labag sa loob ko ang gumawa ng plan namin ngayon. Pasalamat siya at wala si Olivia, baka sa kung saan-saan naman ako dinadala no'n.

"Hi," agad akong napatingala. "Mind if I sit here?" Si Logan.

"Sure," nakangiting sagot ko.

Umupo siya katapat ko. "What are you doing?"

"Business plan. Aren't you busy?" tanong ko naman.

He shook his head. "Not really. Have you eaten?"

Medyo kumunot ang noo ko sa tanong niya ngunit agad ko rin itong pinalitan ng ngiti. "Not yet, to be honest."

"Okay. My treat."

Natawa ako. "What do you need, Logan?"

He shrugged. "Well, I'm just asking."

"Sure," sabi ko na lang.

Nagpaalam na rin si Logan na bibili. Nagfocus na lang ako sa ginagawa ko dahil gusto ko na ring tapusin 'to. Grabe rin kasi itong si Dee, hindi ko alam kung pairings ba talaga 'to or grupo na siya iyong leader tapos ako iyong member. Ah, hindi nga leader, e. Boss na!

Hindi rin naman tumagal si Logan. Nang makabalik siya ay isinara ko agad iyong folder at laptop saka nagsimula na ring kumain kasama si Logan. Nagku-kuwentuhan kami tungkol sa mga subjects namin habang kumakain kami. Totoo nga pala iyong sinabi ni Olivia na matalino si Logan. Nalaman ko kasi na ayaw na ayaw niyang nakikitang may 1.5 pababa iyong grades niya. Like sobrang nahiya talaga ako kasi hindi ko nga magawang magka-1.5!

"So, what subject do you hate the most?" tanong ni Logan.

"Religion," sagot ko. "It's not that I'm demonyo no, I just hate my teacher. Sobrang baba magbigay ng score."

"Why?"

"I don't know either. Meron kasi kaming quiz nun, and then the question was about experience. Ten sentences iyong ginawa ko but hell, I only got 1/5 just because hindi ko bumase sa material na ginawa niya!"

Natawa si Logan ngunit agad din akong natigilan nang makita ko na papalapit si Dee kasama sina Xyll at Drex na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin.

"Sana all may ka-date," sabi ni Drex na inikutan ko lang ng mata.

Kumunot ang noo ko nang kunin ni Dee iyong folder at pabagsak na muling binalik sa mesa namin ni Logan. "Conscience," aniya saka nauna na muling naglakad kina Drex at Xyll.

"Seloso," komento pa ni Drex habang natatawa.

Xyll shook his head and tapped my shoulder. Sabay na silang nagpaalam sa aking dalawa at sinundan na si Dee na hindi mo naman alam kung may regla ba ngayon dahil hindi mo siya maintindihan. Siraulo ba iyon?

"Siraulo talagang singkit 'yun," sabi ko.

"I think he's referring to your task."

"Malapit ko naman na matapos 'yung chapter na ginagawa ko, e."

Tinuloy na lang namin ni Logan ang pagkain. Pagkatapos ay nagpaalam na rin siyang umalis dahil may class pa siya. Naiwan na naman akong mag-isa dahil sobrang haba ng vacant ko ngayon. Sayang naman iyong time kung hindi ko gagawin itong task na dahilan kung bakit naging OA si Dee kanina.

Just by the Window (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon