Haylee
Natapos ang unang araw namin sa pasukan ni Jade ng matiwasay. Buong araw ay nakipagtsismisan lang kami sa mga bagong classmates namin. May mga new friends narin kami.
Siguro binigay nila ang unang araw saamin ng pasukan para sa getting to know each other sa mga new classmates namin.
Hindi na kami nasundo ni Papa kaya nagcommute nalang kami.
Pagpasok palang namin sa bus ay may nahagip na agad ang mata ko. Nakaupo siya sa pinakadulo at nakapikit.
Si Heart.
Akalain mo nga namang sa ganda niyang 'yan nagcocommute din pala.
" Doon tayo sa dulo" bulong saakin ni Jade. Wala na akong nagawa nang hilahin na ako nito paupo sa dulo. Malaki parin naman ang space sa pagitan naming dalawa. Hindi niya kami napansin dahil nakapikit siya habang may headphone sa tenga. Nakauniform rin siya gaya namin habang nakasuot ng itim na jacket.
Mukhang tulog ata siya dahil hanggang sa makababa na kami nakapikit parin siya.
Ang ganda niya kahit na natutulog lang naman.
Ang unfair naman!
" Lagi kang tumitingin sakanya kanina. Siya 'yong babaeng sikat kanina diba? Akala ko anak mayaman" Sabi ni Jade habang naglalakad na kami.
" Heart ang pangalan niya " gulat na napatingin naman ito saakin.
" Chismosa kana yan?" Tukso niya kaya napairap ako.
" Sinabi niya kanina. Muntik na kasi kaming magkabanggaan sa cr " sagot ko.
" Ay okay. " Simpleng sagot niya lang. Nadaanan na namin ang bahay nila kaya nagpaalam na ito saakin. Dalawang bahay pa kasi ang agwat bago ang bahay namin. Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng aso kong si Samsam. Hindi ko alam kung anong lahi niya basta mabalahibo siya tapos ang cute. Binili ko ito noong 18th birthday ko tatlong buwan na ang nakalipas. Pinagipunan ko talaga ito kasi nakita kong nakadisplay siya sa isang pet shop. Mabuti nalang walang pinupuntahan si Lola kaya siya ang nagpapakain kay Samsam kapag wala kami.
Binuhat ko agad siya at hinalikan sa ulo niya. Malinis naman kasi ang aso ko dahil araw-araw pinaliliguan tsaka gumagastos talaga ako para ipagupit ang mga balahibo niya kapag masyado ng mahaba. Hanggang bakuran lang din siya dahil mahirap na baka tangayin lang ng kung sino-sinong dumadaan.
" Hi La." Bati ko kay Lola nang madatnan ko siya sa salas, nanunuod ng telebisyon. Iyon nalang din kasi ang libangan niya.
Hinalikan ko ito sa noo at binigyan ng matamis na yakap na ikinatawa niya.
" Miss na miss ako ng apo ko" malambing sa sabi niya na may panunukso.
" Syempre naman Lola. Hindi pa po kasi kayo gising kanina bago ako umalis. Ayaw ko naman kayong gisingin dahil mahimbing ang tulog niyo" Sabi ko sakanya habang nilalaro ko si Samsam na nasa mga hita ko.
Ngumiti naman ito saakin bago bumaling sa pinapanuod. Nagpaalam nalang ako na aakyat na ako sa kwarto ko para makapagbihis. Pagkatapos ko ay bumaba ulit ako para manuod kasama si Lola.
" Ate, la" tawag pansin saamin ng kapatid kong si Ysha. Kakarating niya lang, mukhang may ginawa pa siya kaya nauna akong nakarating sakanya. Highschool na ang kapatid ko at scholar rin siya kaya hindi masyadong nahihirapan sila Papa sa pag-aaral lalo na at may allowance kami every month. Umakyat na ito sa taas para makapagbihis.
" Apo" tawag saakin ni Lola kaya napalingon ako sakanya.
" Bakit La?" Tanong ko.
" May boyfriend kana ba iha?" Tanong niya. Mabuti nalang wala akong iniinom dahil baka nabuga ko na.
BINABASA MO ANG
𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|
Short StoryAnong kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal? GXG STORY! SHORT STORY!