" Ang gwapo ni Vincent diba?" Tumitiling sabi ni Princess habang nakatutok ang mga mata sa cellphone dahil iniistalk niya 'yong lalaking laging bukambibig niya sa IG galing sa Engineering department.
" Mas pogi ang baby ko no!" Agad na tanggi naman ni Cally kaya natawa nalang kami nila Jade. Nandito kami ngayon sa labas ng classroom dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase ngayong hapon. Dinala pa namin 'yong mga upuan namin dito para lang may maupuan. Mula rito sa lobby ay tanaw ang malawak na field. May mga estudyante pang naglalaro ng socker at may mga iba naman na nasa silong at may kanya-kanyang ginagawa.
Sa hindi kalayuan ay tanaw ko sila Heart kasama si Rizzah. Nakaupo si Heart habang si Rizzah ay nakasandal kay Heart.
Mukhang hindi nga sila magkaibigan lang.
" Cally..." Baling ko kay Cally kaya napaangat ang tingin niya saakin.
" Why vebs?" Maarteng tanong niya.
" Si...Heart ba at si " nagaalangan pa akong tanungin. " Si Rizzah magkaibigan lang or more than friends?" Tanong ko dahilan para makuha ko rin ang atensyon nang iba. Aware naman ako sa same sex relationship. Parang normal narin 'yon ngayon.
" Bakit naman ganyan ang tanong mo? " Sabi ni Cally.
" Sagutin mo nalang ako, Cally.."
Natawa naman siya saakin. " Oo...maybe? I don't know. Simula highschool ay magkasama na sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan na sila simula bata palang dahil magkaibigan ang mga pamilya nila.." sagot niya.
" Uy bakit ganyan ang tanong mo ha? curious kaba kay Heart o kay Rizzah?" Pang-aasar ni Princess.
" Nagtatanong lang. Madalas ko kasi sila makitang magkasama at sobrang sweet. " Sagot ko.
" Ano ka ba normal na 'yon sa magkaibigan, Hayl. May magkaibigan talagang laging napapagkamalang magjowa. " Sagot ni July. Tumango nalang ako at binalik ang tingin sa dalawang masayang nag-uusap. Nilibot ko nalang ang tingin ko at sa hindi inaasahan ay nahagip ng mata ko si Ma'am Reselle na nakatingin sa dalawa. Hindi nagtagal ay umalis narin siya.
Ano bang meron sakanila?
" Matagal na bang magkakilala si Ma'am Reselle at sila Heart?" Tanong ko kay Cally dahil halos siya ang nakakakilala sakanila dahil schoolmate sila noong highschool.
" Family friend ng mga Alfonso ang pamilya ni Ma'am Reselle kaya magkakilala na sila simula pa noon. May tanong ka pa ba?" Natawa ako at napailing dahil ayaw niyang maistorbo sa pagsostalk sa crush niya sa IG.
Kinabukasan ay dala ko na ang uniform ni Heart na ipinahiram niya. Ibabalik ko na sakanya pero noong tanghalian ay hindi ko siya makita sa canteen. Kaya naisipan kong mamayang uwian ko nalang ibabalik. Nagpaalam muna ako kila Jade na may pupuntahan lang ako at hindi narin sila nagtanong pa. Naisipan kong bumalik sa rooftop dahil hindi pa ako tuluyang nakapunta roon dahil kila Ma'am Reselle at Heart.
Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ng simoy ng hangin. Tama nga ako na napakatahimik dito. Nilibot ko ang tingin ko at napasinghap ako nang makita kong may tao pala. Hindi lang basta kung sinong tao. Si Heart.
Nakahiga siya sa isang malawak at mahabang upuan. Unti-unti akong lumapit sakanya at nakitang mahimbing siya sa pagtulog. Napakaamo talaga ng mukha niya. Hindi nakakasawang tingnan. Hindi rin nakakasawang purihin.Kumain na kaya siya? Bakit mag-isa lang siya dito?
" Staring is rude, Miss." Paos pa ang boses nito. Napapatalon ako sa pagkakatayo.
Napakagat labi ako nang unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at bumangon.
"S-oryy. Naistorbo ata kita sa pagtulog. Akala ko kasi walang tao." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|
Short StoryAnong kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal? GXG STORY! SHORT STORY!