Chapter 6

2.1K 117 37
                                    


" Gusto mong magstreet foods mamaya?"


Lumingon siya saakin at ngumiti. Mas lalo talaga siyang gumaganda kapag nakangiti siya.

" Your treat?" Nakangiting tanong niya.

" Ikaw ang mayaman saating dalawa, Puso. " Natawa siya sa pangalang tinawag ko sakanya. " Kaya siguro ang  pangalan mo ay Rain Heart dahil nagpapaulan ka ng kabaitan. "

" Maybe... If I choose between honesty and kindness, I would rather choose the latter because there's no honest people in this world. We tell white lies, and by doubting to tell the truth is dishonesty. And I am not honest. There are things I concealed. " Wika nito.

Namamangha talaga ako sa tuwing kinakausap ko siya. Siya 'yong tipong nakakaattract kausap kasi ang dami mong pwedeng matutunan. 'Yon bang ang dami mong marerealize kapag nagseshare na siya.



" Bakit sobrang bait mo tapos 'yong ate mo ang sama ng ugali. Lagi ata iyong may binubully." Saad ko kaya natahimik siya saglit bago sumagot.


" Do not be deceived by outward show. Sometimes, it is a defense mechanism to hide what's their true color. "

Napatingin ako sa mukha niya at pinagmasdan ang bawat galaw niya.
" Ikaw ba? Ang mga ngiti mo....defense mechanism mo ba 'yan para itago ang totoong ikaw?" Tanong ko na ikinatigil niya at unti-unti akong nilingon. Tumitig siya sa mga mata ko bago ngumiti. Napakasincere na ngiti na ayaw mong masira. Isang ngiting iingatan mo habang buhay.

" No. My smile is the only thing I can do to comfort people who feels nothing but emptiness. I want them to know that there is always a reason to smile. Like the sun, there is always rise and shine after the storm. Even though after the brightest day is an ending, tomorrow is another day. And I wanted to live like the sun, that after finale is an outset to keep moving forward and enjoy life when you have the chance. " May ngiti siya sa labi habang nakatingin sa sikat ng araw sa kamay niya at pinagmamasdan ito na akala mo ay napakagandang tanawin.

Nakamasid lang ako sakanya at habang nakatingin sakanya ay narealize ko sarili ko kung gaano ako kaswerte na nakilala ko siya. Na meron akong pagkakataon na makausap at makasama siya. Para siyang anghel. Kahit siguro siya lang ang magiging kaibigan mo makukontento kana. 'Yong presensya niya palang nakakagaan na sa loob.


" Ang ganda mo, Heart..." Wala sa sariling nasabi ko. Napalingon siya saakin at mas lumapad pa ang ngiti niya sa narinig mula saakin habang ako ay namumula sa hiya kaya umiwas ako.


" Thank you and you're pretty too, Haylee.."




Natapos na ang exam namin pero hindi ibig sabihin free na kami. Ang daming kailangang habuling requirements tapos may bibilihin pa kaming libro. Ang hirap talaga ng Accountancy at hindi ko alam kung bakit ito ang naisip kong program ko. Pero wala naman akong magagawa dahil nandito na ako. Ayoko ring magshift dahil nakakatamad mag adjust. Paninindigan ko nalang 'to.

Napatingin ako sa paligid sa labas mula sa bintana at sa hindi kalayuan sa medyo sulok ay nakita ko si Rizzah at Ma'am Reselle. Mukhang nag-uusap sila pero mukhang hindi maganda ang takbo ng usapan nila base narin sa mga ekspresyon ng mga mukha nila at galaw ng katawan.


Ilang beses na kaming nagkasama at nagkausap ni Heart pero minsan hindi ko pa natanong sakanya ang tungkol sakanila ni Rizzah at kay Ma'am Reselle. Ayoko rin kasing manghimasok.

Si Heart.

Napangiti nalang ako. Hindi ko maitatangging unti-unti ko narin siyang nagugustuhan habang tumatagal. Napakagaan ng loob ko sakanya at masasabi kong ang sarap niyang kausap.


𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon