Chapter 3

2.5K 126 15
                                    

Kinabukasan ay hinatid ulit ako ni Papa sa school kasama na si Jade para hindi na siya gagastos pa sa pamasahe. Nakahawak ang kamay niya sa braso habang papasok ng University. Akala mo naman mawawala siya pero sanay na ako kay Jade.

Pagpasok namin sa classroom ay nakita na naman si July kasama si Cally kaya binati namin agad sila at ganun din naman ang ginawa nila.

" Si Princess?" Tanong ko.

" Baka papunta na 'yon. " Sagot ni July.

Magkatabi ang upuan naming lima sa bandang likod. Ako ang sa pinakagilid sa tabi ng bintana dahil mas gusto ko 'yong nasa gilid ako. 

Nagkwentohan lang ang mga kasama ko habang ako ay nakamasid sa labas. Aalisin kona sana ang tingin ko pero nakita ko ang isang magarang kotse na papasok sa gate. Sinundan ko ito ng tingin dahil namamangha paring ako. Ang yaman siguro ng may-ari niyan. Nagpark siya sa gilid kung saan nasisilungan ng mga punong kahoy at lumabas ang may-ari na ikinagulat ko.

" Siya may-ari non?" Hindi makapaniwalang tanong ko. " Maganda sana ang kotse kung hindi lang masama ang ugali ng may-ari. " Napasimangot ako dahil si Vice president lang naman ang may-ari ng kotse.

May pumasok ulit na kotse kaya napahinto si Vice president sa paglalakad at mukhang kilala ang may-ari ng kotse dahil sinadya niya itong hintayin. Nang makapapark iyong may-ari ng bagong dating na kotse ay lumapit siya roon.

" Si Ma'am?" Takang tanong ko dahil adviser pala namin ang may-ari ng kotse.

Nag-uusap sila base sa observation ko pero mukhang hindi magandang pag-uusap dahil mukhang inis si Ma'am. Iniwan niya si Vice president pero natatawa lang ito. Nababaliw na na siya? Anong relasyon niya kay Ma'am? Mukhang sobrang magkakilala na ata sila.

" Hi Hayl, good morning" napalingon ako sa nagsalita at si Princess pala. Mukhang kakarating niya lang. Hindi ko man lang siya napansin na dumaan s gate. Siguro nakakotse siya pero kilala ko naman ang style ng kotse niya.

" Hi good morning din sayo. Hindi ko napansin na dumaan sa gate ang kotse mo" Sabi ko dito.

" Ah. Sa second road ako dumaan since traffic sa main road kaya nagshort cut ako. " Sagot niya habang nakangiti. " Actually nakasabayan ko nga si Heart eh. " Sabi niya.

" Si Heart? " Pag-uulit ko.

" Oo kaso hindi niya ata ako kilala. Kasama niya 'yong best friend niya. " Sagot ni Princess kaya napatango ako.

Nag-uusap lang kami nang bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Ma'am.

Reselle Ranollo.

Ang ganda ng pangalan ni Ma'am. Balita ko napakabata niya pa at single. Wala naman kasing sinabi si Ma'am tungkol sakanya. Sinimulan na niyang magdiscuss matapos tanungin kong may absent ba daw pero wala. Magaling din siyang magturo kaya halos lahat kami ay focus at talagang nakikinig sakanya.


Pagkatapos niyang magdiscuss ay may  30 minutes pang natitira sa oras niya kaya nag elect nalang ng officer kahit hanggang sa treasure lang daw para atleast may maglelead na saamin. Si Cally ang president namin at si Kean naman ang vice president then secretary si Princess at treasurer naman ang isang kaklase namin na si Aivy.



" Congratulations to our elected officers. We'll continue the election tomorrow. Goodbye class. " Paalam ni Ma'am at umalis.

" Yiehh congrats Cally!" Masayang bati ni Princess kay Cally. " Ay hi Pres!" Pang-aasar niya na ikinatawa nalang namin.

Pumasok narin ang sunod na teacher namin kaya nakinig ulit kami dahil ang sabi niya may quiz daw after discussion pero scam! Wala naman!



Nang matapos ang klase namin sa umaga ay nagpaalam agad si July na may pupuntahan tapos si Princess at Cally naman ay naghunting ng mga pogi sa engineering department.


" Tara sa Canteen?" Tanong ko kay Jade.




" Ah ikaw nalang muna, Haylee. Lalabas ako ngayon sa campus. " Sagot niya.




" Bakit?"


" Si Jordan napaaway sa school niya tapos hindi naman makaalis sila Mama sa trabaho kaya sabi ko ako nalang. " Tumango ako.


" Ayos lang ba si Jordan? Gusto mo samahan kita?" Tanong ko.



" Sigurado akong ang mga nakaaway ni Jordan ang hindi maayos. Alam mo naman ang kapatid kong iyon, balak ata maging gangster nalang. " Natawa ako. Lagi kasing napaaway ang kapatid niya kaya nasasanay na siya.




" Alis na ako ha? Ingat ka. " Sabi niya bago umalis. Napabuntong hininga nalang ako dahil ako nalang naiwan mag-isa.


Tumayo ako at napagpasyahang pumunta sa canteen pero nasa lobby palang ako at kita ko mula sa glass wall ang mga kapwa ko estudyante kaya bigla akong nahiya. Wala pa naman akong kausap. Magmumukha akong lonely. Nawalan na ako ng gana kaya naglakad-lakad nalang ako tutal hindi ko pa naman nalilibot ang buong campus.


Gusto kong pumunta sa rooftop dahil tiyak kong napakatahimik roon.  May elevator naman pero sa hagdan nalang ako dumaan dahil malapit lang din naman at gusto kong mag-exercise. Habang paakyat ako ay nakarinig ako ng ingay mula sa taas. Mukhang may tao kaya humakbang pa ako at sinilip kung sino iyon pero lihim akong napasinghap nang makilala kung sino ang mga taong 'yon.



" Rain..." Napakalamyos ng boses ni Ma'am Reselle nang tawagin niya so Heart. Magkakilala siguro sila dahil magkakilala naman ata si Vice president at si Ma'am.



" Please... let's pretend that we don't know each other. Gusto ko ng tahimik na buhay Ma'am. " Narinig kong sagot ni Heart. Tama nga ako na dati na silang magkakilala.




" Bakit dito mo naisipang mag-aral? Why did you decline your scholarship in abroad? " Nagiging chismosa na naman ako at hindi ko man lang naisipang umalis.




Ilang segundo pa bago sumagot si Heart. " I have so many reasons why I wanted stay here. Si Rizzah. Hindi ko siya kayang iwan. Ang pamilya ko. Kahit na tanggapin ko ang offer na scholarship saakin sa ibang bansa, wala akong pamilya roon. Magiging mas malungkot ang buhay ko. " Ramdam ko ang lungkot ng boses niya.


May relasyon ba sila ni Rizzah? Higit pa ba iyon sa pagkakaibigan?


" Until now, it's still her. Ano bang meron kay Rizzah at hindi mo siya kayang iwan. "


So meron nga?  Seryoso ba?



" She's always my reason to keep moving forward. Just please Reselle, let's pretend we don't know each other. " Narinig kong sagot niya bago humakbang pero nagsalita ulit si Ma'am.




" Is it still because of Sunny?"


Sunny? Si Vice president? Habang tumatagal mas lalo akong naguguluhan.



" I never hold grudges to my sister and you know how much I love her.." huling sinabi niya at nagpatuloy na sa pag-alis.


Kalaunan ay narinig ko narin ang hakbang ni Ma'am paalis kaya nakahiga ako nang maluwag. Jusko! Nakikinig ako sa usapan ng iba pero curious lang naman ako eh tsaka hindi ko naman sasabihin sa iba ang mga narinig ko dahil wala naman akong naintindihan bukod sa may relasyon si Heart at Rizzah. Kaya pala lagi silang magkasama at masaya kapag nag-uusap silang dalawa.


Ibig sabihin magkakilala na silang apat bago pa pumasok sa school na 'to si Heart at Rizzah.




Bakit parang nalungkot sa sa ideyang may relasyon nga sila? Nababaliw na ako!













𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon