Chapter 7

1.7K 106 16
                                    

" Bakit lagi kang nakapikit tuwing gusto mong maramdaman ang araw?" Tanong ko sakanya habang nandito kami nakaupo sa mataas na lugar dito sa mini park. Nakasilong naman kami pero tinaas niya ang kamay niya para masikatan ng araw. 

" The most beautiful things in our life are not seen but felt only by our heart. " Sagot niya habang nakapikit kaya mas malaya ko siyang napagmasdan.

" Ang dami mong alam pero tama ka naman. " Sagot ko kaya natawa siya. Sumupil ang ngiti ko habang nakatitig sakanya. Napakaganda niya. Para siyang mamahaling diamond na ayaw mong masira o kahit magkaroon lang ng crack.

Napatingin ako sa kamay ko nang kunin niya ito at pinagsiklop habang nakapikit parin.

" I want to feel your warmth. Your skin resemble the warm of the sun everytime it touches my skin. The sun is my only companion and now, I have you. " Sa bawat bigkas niya ay ramdam mo ang sinseridad.

Mas lalo akong nahuhulog.

" Haylee..." Malumanay na tawag niya. Ang sarap sa pandinig ang bawat bigkas niya sa pangalan ko.

" Hmm?"

" Thank you for being my sun. Please don't be my sunset. "





Pag-uwi ko sa bahay ay hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Heart kanina. Ano ba ang ibig niyang sabihin doon? Anong gusto niyang ipahiwatig?

Nakahiga na ako sa kama ko at tinaas ko ang kamay ko at parang tangang napatitig doon. Wala sa sariling napatili ako sa kilig nang maalalang ilang beses niyang hinawakan ang kamay ko. Sabi niya pa gusto niyang malapit ako sakanya.

Lumipas ang mga araw na lagi parin kaming nagkikita ni Heart sa rooftop at minsan kapag pauwi na ay niyaya niya ako. Aaminin kong mas nagiging malalim ang nararamdaman ko sakanya at alam ko kahit papaano ay may puwang narin ako sa puso niya. Kung sakali mang nagiging assuming lang ako, hindi parin naman mababago ang nararamdaman ko sakanya dahil kahit papaano hindi lang dahil sa gusto ko siya kaya ko gustong mas mapalapit sakanya kundi sa nabuo naming pagkakaibigan.

" ANO BA!"

Naglalakad kami sa lobby nang mapatingin kami sa left side ng lobby at nakita namin doon si Vice president at si Heart. Nagkatinginan kami nila Cally at lumapit doon. Nakita kong tinulungan ni Heart ang isang nerd na babae sa mga gamit nito. Mukhang napagtripan na naman si ni Vice president. Hays wala na atang bago doon. Napatingin ako kay Heart nang ngumiti ito doon sa babae at para bang sinasabing pagpasensyahan na niya ang ate nito sa ginawa.

" Umalis kana " ngumiting sabi nito doon sa babae. Nahihiyang tumango naman ang isa at tumakbong umalis kaya ang naiwan nalang ang magkapatid.

" Lagi ka nalang nangingialam. Ano ba ang problema mo!" Sigaw nito sa kapatid dahilan para magbulungan ang ibang estudyante.

Napatingin ako kay Heart at ngumiti lang siya.

" Tama na ate. "

" Ate?! Huwag mo akong matawag-tawag na ate! " Napasinghap kami at nakita kong dumaan ang lungkot sa mga mata ni Heart pero katulad ng lagi niyang ginagawa ay ngumiti lang siya.

" Huwag ka ng magalit. Aalis nalang ako para hindi kana magalit." Marahang sagot nito at balewala sakanya ang masakit na salita ng kapatid niya.

Naawa ako sakanya at the same time naiinis din dahil hinayaan niyang tratuhin siya nang ganyan ng kapatid niya.

" Better! Ang please stay away from me! I hate seeing you!" Napakuyom ako ng kamao dahil narinig. Walang nagawa si Heart nang umalis ang kapatid nito habang siya ay nakamasid lang sa likod ng kapatid niya. Hindi na ito nakangiti pero hindi ko rin mabasa kung anong nasa isip niya.

𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon