Haylee
Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko sa paligid ko. Nakilala ko agad na ang mga kaibigan ko 'yon.
" Hindi parin talaga ako makapaniwala sa balita na 'yon. " Narinig kong boses ni Cally.
Nanatiling nakapikit dahil dahil ramdam ko ang bigat ng mga mata ko at sakit. Siguro dahil sa walang tigil na pag-iyak. Wala rin akong lakas.
" Ako nga rin eh. Halos lahat hindi inaasahan 'yon. Parang bombang sumabog ang balita tungkol kay Heart. Maraming mas humanga pa pero mas maraming nalungkot at nasaktan." Ani ni Princess.
Hindi ko alam kung bakit nandito sila sa bahay ngayon. Hindi kasi ako pumasok ngayon. Wala akong lakas para pumasok sa school.
" Isa na don si Haylee. Alam naman natin na may namagitan sakanilang dalawa. "
Dumiin ang pagpikit ko. Sumikdo ang bawat pagtibok ng puso ko. Ayokong marinig. Hindi ko kayang tanggapin ang mga nangyayari ngayon. Para bang nawalan ng kulay ang buhay ko.
" Ang selfless niya no? Kaya niyang ibigay ang puso niya para lang mabuhay ang ate niya kahit na hindi maganda ang trato nito sakanya. Siguro ganun talaga kapag sobrang bait mo." Wika ni Jade. Tumagilid ako kasabay nang paglandas ng mga luha ko.
Wala na akong narinig na usapan nila. Siguro alam na nilang gising ako. Naramdam kong may tumabi saakin.
" Haylee....bumangon ka na muna. May niluto si Tita na lugaw para sayo. Kailangan mo daw kumain para makabawi ka ng lakas. Magkakasakit ka niyan, sige ka." Rinig kong sambit ni Jade.
" W...ala akong gana.." sagot ko habang sinisinok ako dahil sa pagpigil ng iyak.
" Beshy, kumain ka kahit konti lang para magkalaman ang tiyan mo. Sabi ni Mama mo wala ka pang kain buong araw. " Naglakad din si Cally palapit sa tabi ko at hinagod ang balikat ko.
" Oo nga beshy. May dinala rin kaming tubig para sayo. Baka may dehydrate ka." Sulsol ni July.
Nanatili akong walang sagot habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko.
Hindi ko lubos maisip na iniwan na ako nang tuluyan ni Heart. Huling yakap na pala 'yon. Huling halik. Sana hindi na ako bumitaw. Sana hindi ko na siya hinayaang umuwi.
" Ayokong umalis at iwan ka, Haylee. Gusto ko dito. Dito sa tabi mo. " pabulong na sabi niya at mas niyakap ako ng mahigpit.
" Edi 'wag ka umalis." Sagot ko. Dahil kung ako ang mas papiliin,gusto ko dito nalang din siya sa tabi ko.
" I can't. Nakaplano na ang lahat. Everything is settled. "
Ito na pala ang ibig niyang sabihin noong araw na 'yon. Nakaplano na siya. Nakaplano na siyang iwan ako, iwan kami.
Gusto ko nalang bumalik sa araw na 'yon at ihinto ang oras para saaming dalawa.
" Heart...." Buong sakit kong banggit sa pangalan niya. Buong pagmamakaawa na bumalik na siya saakin.
Humagulgol ako sa iyak dahil para akong sinaksak at dinurog sa pag-alis niya. Hindi ko kayang paniwalaan na tuluyan na siyang nagpahinga.
" God bless and take care. I love you, Haylee. So much. "
Sabi mo mahal mo ako. Bakit mo ako iniwan?
Hindi mo man lang hinintay na marinig ang sagot ko sa sinabi mo. Hindi mo narinig kong gaano kita kamahal para sana napigilan kitang umalis.
BINABASA MO ANG
𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|
Storie breviAnong kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal? GXG STORY! SHORT STORY!