Chapter 5

2.2K 121 18
                                    




Napangiti ako nang makita ko si Heart sa dating pwesto niya kung saan una ko siyang naabutan dito sa rooftop. Katulad nang dati ay nakapikit parin ito at mukhang natutulog. Hindi ba siya nagkakaroon nang sapat na tulog sakanila at mukhang pagod na pagod siya? Siguro madami lang siya ginagawa kaya ganun. Hindi ko na siya ginising at naisipang bumalik sa Canteen para ipagbili siya ng pagkain dahil tiyak na hindi na naman siya kumain dahil hindi ko siya kaninang lunch time.

Pagkatapos kong bumili ay bumalik ulit ako at hanggang ngayon ay tulog parin siya. Tumabi ako nang upo at maingat na pinagmasdan ang mukha niya. Napakapayapa at mukhang masarap ang tulog niya kaya wala sa sariling napangiti nalang ako. Ang ganda niya.

Ilang minuto pa akong nakatitig sakanya hanggang sa unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at mabilis na dumako ang mga mata niya saakin kaya napangiti ako.

" Hi..uhm naistorbo ba kita sa pagtulog mo?" Nahihiyang tanong ko.

Bumangon naman siya bago ako sinagot. " No. Not at all. " Ngumiti pa ito kaya mas lalong nageemphasize ng kagandahan niya.



" Mukhang pagod na pagod ka kaya hindi na kita ginising. Kumain kana ba?" Tanong ko.


Nagstretching siya ng mga braso niya bago ako nilingon saglit. " Hindi pa nga eh. After my class, pumunta na agad dito to take a nap. "


" Marami ka sigurong ginawa kaya hindi ka nakatulog nang maayos. Don't worry may dala akong foods. Ito oh.." Sabi ko sabay bigay ng pagkain na binili ko para sakanya.

" Nag-abala ka pa but thank you.." mas lumapad ang ngiti niya at kitang kita sa mga mata niya ang sinseridad.

" Wala 'yon. Malaki rin ang tulong mo saakin at way ko na rin 'to para magpasalamat sayo. " Wika ko.


Hindi nawala ang ngiti niya nang kunin nito saakin ang isang cellophane at nilabas. " Thank you. Hindi na ako makakapuntang canteen nito. " Aniya.

Hindi ako sumagot at pinagmasdan nalang siya habang nagsisimulang kumain. Mukhang gutom na nga siya.

" You. Have you eaten yet?"  Tanong niya.




Mabilis na tumango naman ako. " Oo kanina pa.." sagot ko.

Tumayo ako at naglakad papunta pader na hanggang dibdib ko at pinagmasdan ang malawak na field habang may mga naglalaro.

" Huwag ka dyan. Masakit sa balat ang sikat ng araw. " Narinig kong wika niya kaya mula sa pagmamasid sa mga tao sa ibaba ay bumalik ang tingin ko sakanya.

" Sanay naman akong maarawan. " Sagot ko kaya tumango siya at kumain ulit kaya napangiti ako dahil diko maipagkakailang ang cute niya.


Hinintay ko siyang matapos kumain bago magtanong. Nang matapos na siya ay lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya pero tulad ng lagi kong ginagawa ay nag-iiwan ako ng space sa pagitan namin.

" Bakit lagi kang natutulog dito?" Tanong ko.

Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa at inabot saakin kaya nagtaka ako.

" May pawis ka sa noo at ilong. " nakangiting sabi niya kaya nahiya naman ako bigla. Mukha siguro akong dugyot tingnan. May nalalaman pa kasi akong magpainit. Baka amoy araw na agad ako. Nakakahiya naman dito sa kasama ko na kahit bagong gising maganda parin at fresh tingnan.

Kinuha ko nalang at pinusan ang pawis ko. " Thank you. Lalabhan ko nalang. " Sabi ko.

" No. It's yours. " Sagot niya agad.

𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon