Cheska's P.O.V
"Cheska!" napalingon ako sa tumawag sakin at ito ay si Elisa. Napangiti naman ako dahil sa nakakahawa nitong ngiti.
"Bakit?" tanong ko ng makalapit ito sakin.
"Why you didn't work yesterday?" taas kilay nitong tanong. Hindi ako makasagot dahil wala akong mahanap na tamang salita para rito.
Nang sasagot na sana ay biglang tumunog ang bell.
"Mamaya ko nalang sasabihing lunch," sagot ko saka mabilis na tinalikuran siya. Oras na kasi for flag ceremony at isa ako sa magsasalita.
---
"Cheska?"
"Bakit," kamot sa noong sagot ko. Lunch na kasi at kinulit ako ni Elisa at heto wala kami sa cafeteria. Mag-uusap daw muna kami kaya sa rooftop ko nalang siya dinala. Baka makita kasi kami ni bully, sinabi kasi ng dad niya na layuan ko na ito at si lolo Rowaldo.
"Pansin ko na tulala ka kanina pa, may nangyari ba between you and Leah?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan niya.
Umiling nalang ako dahil wala naman talaga. Maliban nalang don sa hindi niya ako pinapansin mula pa kahapon. Hindi ko nalang sinabi dahil hindi naman yun big deal. Siguro may iniisip lang siya?
"I think meron," natatawang sabi ni Elisa kaya napatawa ako.
"Wala, ikaw talaga kung ano-anong napapansin."
"So, lalayuan mo si lolo tsaka ako?" seryosong tanong na nito.
"Syempre hindi ano ka ba!" natatawa ng sagot ko. Bakit ko sila lalayuan eh wala naman silang ginagawang masama?
"Good. Yayain sana kita mamaya sa bahay ni lolo. Free ka ba?" Wala namang pag-aalinlangang tumango ako. Napangiti naman siya dahil dito at may napansin pa akong kakaiba sa ngiti niya pero hindi ko nalang pinuna.
Isa pa, gusto ko ring makalimutan muna si bully kahit ngayon lang. Bakit kasi napaka-assumming ko? Akala ko okay na kami pero bakit niya ko iniiwasan?
---
Uwian na at hinihintay ko ngayon si Elisa sa parking lot dahil may nakalimutan siya. Hindi ko naman inaasahan ang biglang pagsulpot ng kanina pa na bumabagabag sa isip ko.
"Where are you going? Don't tell me na magtatrabaho ka?" taas kilay nitong tanong sakin ngunit hindi sa mga mata ko nakatingin.
Weird.
"Magdidinner lang kami ni Elisa." Nakita ko siyang napairap sa sagot ko kaya nainis ako. Hindi ko nalang din binanggit na kay lolo Rowaldo kami dahil magagalit lang ito lalo.
Tsaka ano nanamang problema niya?
Takot nga pala siya sa dad niya. Tss.
"Okay, enjoy," sarcastic nitong sagot na ipinagtaka ko. Hindi ba siya magagalit? Nakakapanibago siya mula pa kahapon.
Napailing nalang ako dahil bumabalik nanaman siya sa dati. Tsaka bakit nga naman siya magagalit eh buhay ko ito? Wala namang kami kahit na nagconfess akong mahal ko siya. Tsaka ano naman kung nakailang halik na siya sakin? Hindi naman big deal para sa kanya yun siguro?
Bigla naman akong nasaktan sa naisip ko.
Kung hindi big deal sa kanya, sakin oo.
Leah's P.O.V
"Leah si Cheska?" tanong sakin ni ate nang makadating ito kasama si ate Rhea.
Kanina pa rin yang tanong na yan. Fuck!
BINABASA MO ANG
Down Side Up (GxG Story: Completed)
RomanceSa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'President'. Hindi niya ito nagustuhan kaya humahanap siya ng paraan upang mapatalsik ito ngunit sa hi...