Leah's P.O.V
"Why are you here?" Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat plus isama pa na boses yun ni president.
Atsaka diba dapat ako ang matanong kung bakit siya nandito?
Gustuhin ko man siyang sagutin ay hindi ko magawa. Tsaka kasalanan niya kung bakit ako nandito.
"Iniiwasan mo ko," dagdag pa niya dahil akmang aalis na sana ako. Ramdam kong may lungkot sa boses niya habang binabanggit niya yun. Bakit? Bakit kailangan pa niyang sabihin yun? Mas lalo tuloy akong nahihirapan. Dapat pala hindi nalang ako umuwi dito sa Pilipinas kung alam kong ganito ang mangyayari.
"Asumming," nasabi ko nalang dahil baka mabuking ako kahit obvious naman. Hindi ko na itinuloy ang pag-alis sa halip ay umupo nalang ako dahil ang lakas rin naman ng hangin dito sa rooftop. Hindi ko akalain na isa ito sa magiging tambayan ko dahil ayoko talaga ng matataas na lugar. Nagbabago pala talaga ang mga gusto. Dahil ba yun sa isang tao?
"Kumusta kana?" parang nahihiya pang tanong niya at umupo rin sa tabi ko. Napatungo tuloy ako.
Kumusta na nga ba ako?
"Ayos lang. Ikaw?" seryoso kong sagot dahil baka malaman niya kung ano ba talagang nararamdaman ko. Atsaka ang bastos ko naman kung hindi ko siya sagutin? I know that feeling!
"Ayos lang din," mabilis naman niyang tugon.
Lumipas ata ang ilang minuto at nakakaramdam na ako ng awkwardness. I hate it!
"Bakit ka nga pala nandito? Diba dapat na kay kumag ka?" hindi ko mapigilang hindi itanong sa kanya at ramdam kong nilingon niya ko pero hindi ko siya tiningnan. Hindi naman nagtagal ay napatawa siya.
"Sinong kumag?" natatawang tanong niya.
"Si Elisa."
"Ahh, yung girlfriend mo," mapakla niyang tugon kaya nilingon ko siya at kita kong nabigla siya kaya umiwas na ko ulit ng tingin.
Until now pala, yun parin ang akala niya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti pero nong naalala kong sinubuan siya ng kumag kong pinsan, nabura ang ngiti sa mukha ko.
"May problema ka ba?" puno ng pag-aalalang tanong nito. Una namang pumasok sa isip ko na problema ay si kumag kaysa sa tunay kong problema. Fuck!
"Nothing."
"Sorry." Automatic naman ulit akong napatingin sa kanya pero binawi ko ulit dahil hindi ko kayang tingnan siya. Baka mas lalong lumalim tong nararamdaman ko for her.
"For what?"
"K-kasi hindi manlang kita n-nadamayan o natanong kung a-ayos ka lang nong mga panahong kailangan mo ng karamay. Sorry." Parang biglang lumambot ang puso ko dahil sa sinabi niya pero hindi pwede.
"It's not a big deal. Hindi kita kailangan," pigil hiningang sabi ko sa kanya dahil baka mag-alinlangan ako.
"Asumming nga talaga ako. Sorry, naabala pa kita," walang emosyong sabi niya at tumayo na. Gustuhin ko man pigilan siyang umalis ay hindi ko magawa. I don't want to be selfish. Mahihirapan lang siya.
Habang siya ay papalayo habol tingin naman ang mga mata ko sa kanya pero napatigil siya nong biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Ate? Bakit ka umiiyak? H-ha? Sige sige, p-papunta na." Bigla akong kinabahan para sa kanya dahil parang anytime nararamdaman kong, magbe-break down siya.
Hindi na ko nakatiis at hinabol siya.
"What happened?"
"Si mama dinala sa hospital," casual niyang sagot.
"S-samahan na kita," pag-iinsist ko.
"Ayos lang. Hindi kita kailangan," sabi nito at sumakay na ng elevator. Naiwan akong nakatulala habang nakatingin sa kanya at parang tumigil ang oras dahil sa sinabi niya. Para namang sinaksak ang puso ko at naiinis ako sa sarili ko dahil sinabi ko rin yun sa kanya. So, this is the feeling?
"Fuck!"
Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko. I'm such a coward. I'm so weak as fuck!
Gustuhin ko mang sundan siya pero baka malaman ni dad na nilalapitan ko pa siya. Napasabunot nalang ako sa sarili ko at wala kong pakielam kung magulo man ang buhok ko. I hate myself being like this!
Bigla namang pumasok sa isip ko si kumag. Kahit na ayaw ko sa kanya, I need to tell her na siya muna ang sumama kay president. I trust her.
---
"Elisa?"
"Alam ko na yan, what do you need?" nakangising tanong niya. Sarap sampalin!
"Pwede bang samahan mo si president? You have her number right? Dinala kasi sa hospital yung mama niya. I'm worried about her," pag-aamin ko dito na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit ako? Bakit hindi ikaw?" parang nang-aasar na tonong tanong niya. Tinimpi ko nalang ang sarili ko.
"Alam mo naman kung bakit," nakatungong tugon ko sa kanya. I'm such a coward!
"All right but you'll come with me."
"Hindi pwede!" agad kong tanggi.
"Bakit kasi sinusunod mo yang dad mo? Hindi ka naman niya mahal. Wag kang maging sunod-sunuran sa kanya. We have our grandfather. Let's stick to our plan and it will make you happy."
Kapag sinuway ko si dad, maraming madadamay.
"I'm stucked."
"Everyday is a chance, it's not too late. Wag sanang dumating sa punto na magsisi ka."
It's okay. I'll sacrifice my own hapiness for her own good.
"I love my father."
"Wag mo siyang kunsintihin kung mahal mo siya talaga. Parents want the best for their child but I think it's the opposite in your situation."
"Sorry but I can't. Take care of president." Tumalikod na ko sa kanya at tinungo ang classroom. I will always obey my father.
"You're such an asshole! Wake up!" sigaw nito sakin habang ako'y papalayo.
I'll protect her and I'll always here for her even if I'm far away.
---
Thank you for reading❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
Down Side Up (GxG Story: Completed)
RomanceSa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'President'. Hindi niya ito nagustuhan kaya humahanap siya ng paraan upang mapatalsik ito ngunit sa hi...